Del Rosario pumangatlo, ginantimpalaan ng P106K
- Published on February 16, 2022
- by @peoplesbalita
PALABANG sumalo sa pangatlong posisyon si Pauline Beatriz Del Rosario kay Mohan Du ng China sa kahahambalos na Dare the Bear Women’s Championship upang mapremyuhan ng tig-$2,069 (P106K) sa Black Bear Golf Club sa Parker, Colorado.
Nagposte ang 23-year-old Pinay shotmaker buhat sa Las Piñas ng mga linyang six-over par 76, three-over par 73 at even par 70 para maka-two-under 219, tulad ng Chinese na may mga tinipang mga round na 71-74-74.
Pinamayagpagan ang 54-hole, 46-player event na kickoff leg sa taong ito ng East Coast Women Pro Golf Tour (dating National Women’s Golf Association), ni Alyaa Abdul na may last round 70 pa-217, one stroke edge sa kapwa Amerikanang si Alexandra Swayne. (CDC)
-
Ads July 16, 2021
-
Inflation para sa Agosto 2024, naitala sa 3.3% – PSA
BAHAGYANG bumagal ang inflation rate ng Pilipinas noong buwan ng Agosto dahil sa mas mahinang pagtaas ng gastos sa pagkain at transportasyon. Ayon sa Philippines Statistics Authority (PSA), magandang development ito. Sinabi ni National Statistician at PSA chief Claire Dennis Mapa na ang inflation, na sumusukat sa rate ng pagtaas ng […]
-
Terorismo sa Pinas, bumaba na
IPINAGMALAKI ni Defense Secretary Carlito Galvez, Jr. na malaki ang ibinaba ng bilang ng terorismo sa bansa nang makipagkita kay Australian Deputy Prime Minister Richard Marles kahapon. Ayon kay Galvez, 2018 nang laganap ang kidnapping sa bansa lalo na sa Mindanao subalit unti-unti itong nasasawata noong 2021 hanggang ngayon. Dahil sa pagbaba […]