Delegasyon ni Speaker Romualdez nakasungkit ng pangako sa Japan na pararamihin mga empleyadong Pinoy
- Published on June 20, 2024
- by @peoplesbalita
NAKASUNGKIT ng pangako ang congressional delegation ng Pilipinas na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez mula sa mga opisyal ng Japanese parliament na kukuha ang Japan ng dagdag na mga Pilipinong manggagawa sa mga kritikal na sektor gaya ng elderly care.
Ang pangako ay nakuha sa isinagawang high-level discussions kasama si National Diet of Japan Speaker Fukushiro Nukaga at Vice-Speaker Banri Kaieda na ginanap sa Tokyo parliamentary building nitong Martes.
Sa naturang pagpupulong, kinilala ni Vice-Speaker Kaieda ang mga hamon na kinakaharap ng Japan at ang mahalagang kontribusyon ng mga Pilipino.
Sinabi naman ni Speaker Romualdez ang potensyal na mapalakas pa ang kooperasyon ng dalawang bansa.
“The Philippines has a growing population, so we are more than happy for our people to come and work here after receiving the appropriate training,” ani Speaker Romualdez.
Makatutulong din umano ito upang magkaroon ng bagong kaalaman ang mga Pilipino sa teknolohiyang mayroon ang Japan.
Sa kaparehong pagpupulong, nangako rin si Speaker Nukaga na ipagpapatuloy ang pagtulong sa ekonomiya ng Pilipinas. Sinabi nito na mayroong 1,400 Japanese company na nag-o-operate sa Pilipinas.
Nagpasalamat din si Speaker Romualdez sa patuloy na pagsuporta ng Japan sa mga Pilipino.
Mayroong mahigit 300,000 Pilipino na nakatira sa Japan kung saan nasa 164,000 ang nasa sektor ng caregiving, agriculture, hospitality, at manufacturing.
Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang pagbibigay ng Japan ng suporta sa ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan ng official development fund (ODA).
Sinabi pa ni Romualdez na mayroon ding mahalagang kontribusyon sa Pilipinas ang Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang makasaysayang kasunduan umano ng Estados Unidos, Japan, at Pilipinas ay lalo umanong nagpatibay sa samahan ng mga ito, ayon kay Speaker Romualdez.
Bilang tugon, kinilala naman ni Speaker Nukaga ang matibay na relasyon ng Pilipinas at Japan.
Kinilala rin ni Nukaga ang kahalagahan ng mga Pilipino sa Japan lalo na sa Ibaraki Prefecture na kanyang hometown.
Ayon kay Nukaga, na dating chair ng parliamentary group ng JICA at Minister of Finance, ang Pilipinas ang ikatlong pinakamalaking nakatatanggap ng ODA ng Japan, sunod sa India at Bangladesh.
Binigyan-diin din ni Nukaga ang kahalagahan ng relasyon ng Pilipinas, Japan, at Estados Unidos.
Binanggit din ni Nukaga ang joint maritime exercise ng Japan, US, Pilipinas at Canada kamakailan na isa umanong patunay ng kooperasyong ito.
Iginiit rin nito ang kahalagahan ng prinsipyo ng seguridad, demokrasya, at pagsunod sa batas.
Kasama sa pulong sina Japan Vice-Speaker Banri Kaieda, Japan House of Representatives International Affairs Department Director General Yamamoto Hironori, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez, House Committee on Appropriations Chairman Zaldy Co, Navotas Rep. Toby Tiangco, House Secretary General Reginald “Reggie” S. Velasco, House Sergeant-at-Arms retired PMGEN Napoleon C. Taas, at iba pang opisyal ng Kamara. (Vina de Guzman)
-
Hero’s welcome para kay Diaz
Maituturing si national weightlifter Hidilyn Diaz na isang buhay na bayani matapos ibigay sa Pilipinas ang kauna-unahang Olympic gold medal sa kanyang tagumpay sa women’s 55-kilogram division ng Tokyo Games. Dahil sa kanyang kabayanihan ay ibibigay ng Philippine Sports Commission (PSC) sa 30-anyos na si Diaz ang Gold Medal of Valor sa nakatakda […]
-
‘Godzilla Vs. Kong’ Drops New Poster And First Trailer
TWO of the most iconic monsters in film, Godzilla and King Kong are ready for a confrontation in the new Godzilla Vs. Kong poster. Warner Bros. and Legendary Entertainment will soon be releasing the big crossover film, now that their MonsterVerse had been set up by the Godzilla reboot in 2014, Kong: Skull Island in 2017, and 2019’s Godzilla: King […]
-
Alert level 3 sa NCR mananatili kung mababa sa 70% ang healthcare utilization
IREREKOMENDA ng Department of Health (DOH) sa Inter-Agency Task Force ang pagpapanatili sa Alert Level 3 sa National Capital Region (NCR) kung patuloy na mas mababa sa 70 porsyento ang healthcare utilization rate ng rehiyon sa pagtatapos ng linggo. Ito ang kundisyon ni Health Secretary Francisco Duque III sa magiging rekomendasyon niya sa […]