• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Delta variant ‘dominanteng’ uri na ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas — WHO

Karamihan na sa mga nagkakahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay dahil sa mas nakahahawang Delta variant, pagkukumpirma ng kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas kahapon, Martes.

 

 

Bagama’t mas nakahahawa na sa karaniwan ang Alpha at Beta variants ng COVID-19, 60% na “mas transmissible” dito ang Delta variant, ayon sa pahayag ng Department of Health at Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology.

 

 

“More than 70% of the current transmission is attributed to the Delta variant,” ayon kay WHO Philippine representative Dr. Rabindra Abeyasinghe, Martes.

 

 

“Let’s try to vaccinate many of the unprotected people as we can.”

 

 

Aniya, “most certainly” ay may community transmission na ng naturang variant sa Pilipinas.

 

 

Lunes lang nang umabot sa 22,366 ang bilang ng bagong mga kaso ng COVID-19 sa iisang araw lang, ang pinakamataas na pagtalon sa kasaysayan ng bansa.

 

 

Sa hiwalay na media briefing ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, lumalabas na halos swak ang obserbasyon ng DOH sa WHO.

 

 

“Since its detection in July, the Delta variant cases… showed steady increase and has already replaced the Beta… and the Alpha… variants as the most common lineage detected on each sequencing run,” banggit ni Vergeire kanina.

 

 

Aniya, “most certainly” ay may community transmission na ng naturang variant sa Pilipinas.

 

 

Lunes lang nang umabot sa 22,366 ang bilang ng bagong mga kaso ng COVID-19 sa iisang araw lang, ang pinakamataas na pagtalon sa kasaysayan ng bansa.

 

 

Sa hiwalay na media briefing ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ngayong araw, lumalabas na halos swak ang obserbasyon ng DOH sa WHO.

 

 

“Since its detection in July, the Delta variant cases… showed steady increase and has already replaced the Beta… and the Alpha… variants as the most common lineage detected on each sequencing run,” banggit ni Vergeire kanina.

 

 

“This coincides with the start of a steeper rise in the number of cases in July, similar to what we saw previously at the start of our April tick in cases with the spread of the Alpha and the Beta variants.”

 

 

Kasalukuyang nasa “high risk” classification pagdating sa COVID-19 ang buong Pilipinas, kasama na ang mga rehiyon ng:

 

  • National Capital Region
  • Region 4A
  • Region 2
  • Cordillera Administrative Region
  • Region 3
  • Region 10
  • Region 1
  • Region 7
  • Region 11
  • Region 6
  • Region 12
  • Caraga

 

Una nang lumabas sa projections ng kagawaran na posibleng umabot sa 333,000 aktibong cases ang maitatala sa Metro Manila lang ngayong Setyembre kung anim na linggong modified enhanced community quarantine ang ipatutupad at walang improvements sa sa vaccinations, pagsunod sa protocols at detection to isolation.

 

 

Sumatutal, umabot na sa 1.97 milyon ang tinatamaan ng naturang virus sa Pilipinas, ayon sa mga datos ng DOH kahapon. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 33,330.

Other News
  • PH at Qatar nagkasundo na palakasin ang ugnayan sa iba’t ibang larangan

    KAPWA nagkasundo ang Pilipinas at Qatar na paiigtingin pa ang ugnayan ng dalawang bansa sa ibat ibang larangan gaya ng pag explore pa sa mga strategic measures na magpapalakas sa trade and investment, pagpapalawak sa ibat ibang kooperasyon, paglaban sa climate change, human trafficking at iba pa.     Ikinagalak naman ng Pangulong Marcos na […]

  • Promodiser, 1 pa laglag sa Caloocan drug bust, P2.5M shabu nasamsam

    UMABOT sa mahigit P2.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng ilegal na droga na kabilang sa mga high value individual (HVI) matapos matimbog sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan Police Chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga suspek na sina alyas “Adrian” 32, promodiser ng […]

  • Kuwestyon sa MIF sasagutin ng Kamara

    SASAGUTIN ng Kamara ang petisyong inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng Republic Act (RA) 11954 o ang Maharlika Investment Fund Act of 2023.     Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na iginagalang nito ang direktiba ng Korte Suprema na maghain ng komento sa petisyon sa itinakdang oras.   […]