Dengue, leptospirosis, TB mas delikado na kaysa COVID-19
- Published on August 9, 2023
- by @peoplesbalita
MAS DAPAT mabahala ngayon ang mga Pilipino sa dengue, leptospirosis at iba pang sakit kaysa COVID-19 dahil mas nakamamatay na ito ngayon lalo ngayong pagtama ng tag-ulan sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa kasalukuyan, ikinatwiran ni Health Secretary Teodoro Herbosa na mas mababa na ang bilang ng tinatamaan ng COVID-19 kumpara sa dengue at leptospirosis. Mas mababa na rin umano ang bilang ng mga naoospital at namamatay dito.
Mula nitong Enero hanggang Hulyo 22, nakapagtala na ng higit 85,000 kaso ng dengue sa buong bansa. Nag-umpisa ang pagtaas ng bilang ng kaso sa pagpasok nitong buwan ng Abril at lumala pa nitong Hunyo.
Sa naturang bilang, nasa 299 ang iniulat na nasawi o may fatality rate na 0.37%.
Sa kaso ng leptospirosis, nakapagtala na ng kabuuang kaso na 2,079 mula Enero hanggang Hulyo 15, na may nasawi na 225 sa buong bansa.
Nitong Agosto 4, mayroon na lamang 3,832 aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa makaraang madagdagan ng 154 bagong kaso. Nitong Agosto 2, 50 ang nadagdag sa talaan ng nasawi sa naturang sakit.
Sa mga nasasawi dahil sa COVID-19, karaniwan umano na mga may edad na o may comorbidity ang dinadapusan ng virus.
“’Yung COVID-19… para na siyang isa sa mga sakit natin. At mas nakamamatay pa ang dengue tsaka [leptospirosis tsaka tuberculosis],” saad ni Herbosa.
Ngunit hindi pa rin umano dapat magpabaya dahil sa anumang oras ay maaari pa rin na magkaroon ng outbreak. Kaya payo niya, magpaturok pa rin ng bakuna at palagiang magsuot ng face mask sa mga matataong lugar para makaiwas makakuha ng COVID at maging ibang mga sakit na naihahawa.
-
Followers ni KRIS, umaasang mapapanood na nila sa isang talk show
BASE sa teaser na pinost ni Kris Aquino sa kanyang IG account at FB page nitong Miyerkoles ng gabi at binanggit niya ang PURE AT GOLD, posible kayang mapanood na siya sa isang talk show at ang Puregold ang producer niya? “And there’s not much left of me, what you get is what you […]
-
SID, na-experience nang nakipag-lovemaking sa loob ng kotse tulad ng ginawa nila ni CINDY sa movie
PALABAN talaga ang premyadong aktor na si Sid Lucero, hindi lang sa aktingan pati na rin sa hubaran. Sa trailer pa lang ng newest sexy-suspense thriller ng Vivamax na Reroute kung saan kasama niya sina Cindy Miranda, Nathalie Hart at ang Venice Film Festival Best Actor na si John Arcilla, pinakita na ang […]
-
Ads March 5, 2024