• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dengue sa bansa, tumaas pa sa 131%

PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng dengue sa bansa nang maitala na ito sa 102,619 mula Enero 1 hanggang Hulyo 30, ayon sa Department  of Health (DOH).

 

 

Mas mataas ito ng 131% kumpara sa mga naiulat na kaso sa parehong period noong 2021 na nasa 44,361 lamang noon.

 

 

Pinakamaraming   kaso ng dengue sa Region III na may 18,664 o 18%, kasunod ang Region VII na may 10,034 o 10% at ikatlo ang National Capital Region na may 8,870 o 9%.

 

 

Mula nitong Hulyo 3 hanggang Hulyo 30, nadagdag ang nasa 23,414 kaso ng dengue kung saan pinakamataas sa Region 3 (5,838), kasunod ang NCR (2,689) at Calabarzon (2,369).

 

 

 

Nabatid rin na siyam sa 17 rehiyon sa bansa ang lumagpas na sa ‘epidemic threshold’ sa nakalipas na apat na linggo. Kabilang dito ang Regions II, III, CALABARZON, MIMAROPA, VI, VII, IX, CAR, at NCR.

 

 

Ang Mimaropa at Region VI na lamang ang nagpapakita ng tuluy-tuloy na pagtaas ng mga kaso mula Hunyo 26 hanggang Hulyo 23.

 

 

 

Sa buong bansa, nakapagtala na ng 368 nasawi sa sakit na may 0.4% case fatality rate.

Other News
  • Delgaco sa rowing finals

    TUMAAS sa lima ang event na kakasahan ng Philippine Rowing Association (PRA) bets sa Online 31st World Rowing Indoor Championships 2021 Finals sa Pebrero 23-27 sa pagpasok pa ng lima na pinangunahan ni PH 2019 Southeast Asian Games gold medalist Joanie Delgaco.     Pasok siya siya kasangga si Mireille Qua sa Under 23 Women […]

  • Malakanyang, kumpiyansang makakabawi ang ekonomiya

    KUMPIYANSA ang Malakanyang na makakabawi ang ekonomiya ng bansa sa taong ito.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tatlong bagay ang kanilang pinanghahawakan para sa pagbawi kahit paano.   Ito aniya ay ang pagkontrol sa virus para makapagbukas na ang mga negosyo, paggamit ng fiscal at monetary policies na umaabot hanggang 2.7 trillion  at […]

  • PAGSUSUOT NG SHIRT O PARAPHERNALIAS NA MAY MUKHA NG KANDIDATO, DI REKOMENDADO

    HINDI inirerekomenda ng Commission on Elections (Comelec) sa mga botante na magsuot ng T-shirt  o paraphernalia na may mukha o pangalan ng mga kandidato at polling precincts sa araw ng halalan.     Kumpiyansa ang Comelec na maging ‘smooth’  ang May 9 electionsatapos ang final testing, sealing .     “Di po tayo magdidikta at […]