DENNIS, parang winner sa rami ng bumati at nakapagpapirma pa kay BONG JOON HO; JOHN, wagi ng Volpi Cup for Best Actor sa ‘ 78th VIFF’
- Published on September 13, 2021
- by @peoplesbalita
SI John Arcilla ang tinanghal na Best Actor at ginawaran ng Coppa Volpi (Volpi Cup) sa katatapos na 78th Venice International Film Festival sa Venice, Italy.
Hindi naka-attend si John sa filmfest pero ang Kapuso Drama Actor na si Dennis Trillo na nominated ding Best Actor sa On The Job: The Missing 8 ang siyang dumalo, kaya binati niya agad sa Instagram si John ng: “Heneral!!! Saludo kami sa ‘yo! Congratulations idol!”
Pero sulit na sulit naman ang pag-attend ni Dennis sa filmfest. Para na rin siyang winner, dahil tumanggap din siya ng mga congratulations pagkatapos ipalabas ang trailer ng movie na dinirek ni Erik Matti, sa Palazzo del Cinema di Venezia, bago ini-announce ang winner sa Best Actor.
Naging instant fan din si Dennis nang mami-meet niya nang personal ang mga sikat na movie personalities na um-attend din ng filmfest.
Instagram story posted ni Dennis: “nanaginip ba ako?” Dahil ang mga bumati sa kanya ay sina @alexandernanau, @cynthiaerivo @sarahgadon #bongjoonho. Hollywood levelingst!
Dinala pa ni Dennis ang book niyang Parasite na sinulat ng kilalang South Korean film director, producer and screenwriter na si #bongjoonho, ang Jury President ng filmfest, at IGs caption niya: “dinala ko ‘to para papirmahan sa tito ko! Thank you tito Bong!”
Na-meet din ni Dennis ang direktor ng Nomadland na si Chloe Zhao.
Kasamang nag-attend ni Dennis sa filmfest sina direk Erik Matti, Reality Entertainment producer Dondon Monteverde, at direk Quark Henares.
Dennis wore the black suit and Barong Tagalog ni Francis Libiran. Nag-stay sila sa Hotel Excelsior, Venice Lido Resort. After ng filmfest ipalalabas sa Rome ang On The Job: The Missing 8.
Congratulations!!!
***
NAKAKA-MOVE on na si LJ Reyes ngayong kasama na niya ang mga anak na sina Aki at Summer, at kapiling na sila ng mommy niya sa New York.
Mukhang nagsimula na siyang maglibang-libang dahil nag-post siya sa Instagram story niya na nanood na siya ng fashion show sa New York Fashion Week.
Ikinagulat niya na isa sa mga rumampa sa fashion show ay si Gigi Hadid.
Sa IG caption niya: “My first #NYFW!!! And it was such an eye candy!!! And can’t get over @gigihadid and these creations!”
***
NAGING emosyonal si Rayver Cruz sa interview sa kanya after niya muling pumirma ng exclusive contract sa GMA Network.
Hindi niya napigilan ang mapaluha sa pagpapasalamat sa mga bossing ng network sa trust na ibinigay sa kanya. Bukod kasi sa pagiging actor niya, mas na-develop ang husay niya sa pagsayaw, pagkanta at maging isang host sa mga shows niya rito.
Hindi raw niya in-expect na madi-develop siya ng network sa pagho-host simula nang isama siya sa The Clash singing competition two years ago. At ngayon ay magsisimula na silang mag-taping ng The Clash 4 na sila muli ni Julie Anne San Jose ang host, kasama pa rin sina Ken Chan at Rita Daniela as Journey Hosts.
Host and performer din si Rayver every Sunday sa noontime show na All-Out Sundays.
Isa rin sa ipinagpasalamat ni Rayver ay natupad na ang pagkakaroon niya ng sariling bahay mula sa mga kinita niya sa network.
Napapanood ngayon si Rayver sa Nagbabagang Luha with Glaiza de Castro, after Eat Bulaga sa GMA-7.
(NORA V. CALDERON)
-
ALERT LEVEL SA NCR PUWEDENG BUMABA PA
POSIBLENG mapababa pa ang Alert Level sa National Capital Region (NCR) kung magpapatuloy ang pagbaba ng bilang ng mga kaso, ayon sa Department of Health. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na ang seven-day moving average sa NCR ay 1,156. Ang average na mas mababa sa 500 tulad ng mga buwan bago […]
-
Mga lugar na nasa lockdown sa QC nadagdagan pa; occupancy rate sa 3 hospitals 100% na
Muling nadagdagan ang bilang ng mga lugar na isinailalim sa special concern lockdown sa Quezon City. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa ilalim ng Special Concern Lockdown Areas (SCLA) ang 53 na lugar sa lungsod dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19. Sinabi ni Belmonte na partikular […]
-
Tiangco; pagsisikap ng gobyerno kontra online child abuse, higitan
NANAWAGAN si Navotas Congressman Toby Tiangco sa mga kinauukulang pambansang ahensiya na iayon ang buong diskarte ng gobyerno ni Pangulong Bongbong Marcos sa paglaban sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC). “President Bongbong Marcos’ directive is clear: the government must ramp up efforts to combat child abuse in digital spaces. The […]