• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DENR INALMAHAN NG TRIBONG DUMAGAT SA LUMILIIT NG MINANANG LUPAIN

BARAS, Rizal — May 800 na pamilya na kabilang sa tribong Dumagat ang umalma sa balak na palayasin sila sa kanilang minanang lupain na sakop ng mga bayan ng Tanay, Baras, at Antipolo.

 

 

Sa isang panayam, bilang pinuno ng grupong Dumagat-Remontado sa Barangay San Ysiro, binanatan ni Alex Bendaña ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa kabiguan nitong protektahan ang Upper Marikina River Protected Landscape (UMRPL) at ang kanilang minanang lupain mula sa land grabbers na nagpapanggap na environmental advocates.

 

 

Sa ngalan ng isa sa pitong tribong Dumagat na naninirahan sa pinaka katimugang dulo ng kabundukan ng Sierra Madre, nagpahayag ng pagkatakot si Bendaña sa agresibong pagsisikap na paalisin sila sa kanilang tahanan sa harap ng mga hakbang na buwagin ang Indigenous Peoples’ Rights Act (IPRA).

 

 

“Nabalitaan namin na may nagsusulong sa Kongreso na i-abolish ang IPRA, yun na nga lang po tanging batas na kalasag ng mga katutubo tapos aalisin pa nila,” sabi ni Bendaña sa panayam. Nang tanungin kung anong partikular na lugar ang pinangangambahan nila, nagpahiwatig ang pinuno ng Dumagat-Remontado tungkol sa 13,000 ektaryang minanang lupaing malapit sa Marikina Upper Marikina River Basin Protected Landscape.

 

 

Nang hingan pa ng detalye, pinunto ni Bendaña ang malalaking istraktura sa loob ng parehong protektadong lugar ang watershed at ang kanilang lupain na nagbibigay duda sa pagbenta ng DENR.

 

 

“Nakakapagtaka nga lang po talaga kung paano nakakuha ng clearance sa DENR ‘yung mga may-ari ng naglalakihang mansyon at iba pang istraktura dito sa loob ng protected area,” sabi ni Bendaña at idinagdag pa nya ang pangangailangan ng pagpapatupad ng mga umiiral na batas kasama ang IPRA at Presidential Decree 324, na nagbaha-bahagi ng watershed para sa agroforestry.

 

 

Ipinakita ng mga talaan na ang UMRPL pa lang ay may mga 26,126 ektarya. Subalit, ang patuloy na pagkawasak ng kagubatan at habitat ay malawakan, na dulot ng illegal tree cutting, construction of residential subdivisions, at establishment of commercial establishments na epektibong pinaliit ang watershed area ng mga 408 ektarya kada taon. Sa minanang lupain ng Dumagat-Remontado, sinabi ng grupo na ang kanilang lupain ay binawasan ng mahigit kalahati kasunod ng Memorandum of Agreement (MOA) na pinasok ng dating yumaong DENR Secretary Gina Lopez sa Blue Star Construction and Development Corporation (pinangalanang Masungi Georeserve nang bandang huli) noong 2017. “Wala na po kaming pupuntahan kapag nawala pa ang IPRA. Kung meron man dapat gawin ang pamahalaan, repasuhin at palakasin ang IPRA. Hindi nila yan pwede ibasura kasi wala na kami mapupuntahan, hindi kami mabubuhay kung magpapakalat-kalat kami sa Maynila at magpapalipas ng gabi sa ilalim ng tulay.” (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Kai Sotto patuloy ang paghahanda sa 2022 NBA Draft

    PATULOY ang ginagawang paghahanda ni Filipino basketball player Kai Sotto parea sa 2022 NBA Draft.     Kahit na hindi nakasama ito sa Draft Combine ay patuloy ang ensayo ng 7-foot-2 sa Atlata.     Nakipag-work outs rin ito sa ilang NBA teams.     Sinabi ng 19-anyos na si Sotto na patuloy ang kaniyang […]

  • ‘Di lang napayagan dahil sa 10-year contract sa Dos: LIZA, lumalabas na inoperang mag-audition bilang Mary Jane sa ‘Spiderman: Homecoming’

    PINAG-UUSAPAN ngayon ang ni-reveal ng Korean-American businessman na Jeffrey Oh tungkol sa controversial actress na si Liza Soberano.     Ibinulgar nga ng business partner ni James Reid sa ginanap na 2nd Philippine Creative Industries Summit na mayroon daw offer noon kay Liza na mag-audition para sa character ni Mary Jane sa Marvel blockbuster movie […]

  • Saso humiling ng respeto sa kanyang desisyon

    Humingi ng pang-u­nawa si Filipino-Japanese golfer Yuka Saso sa naging desisyon nitong piliing katawanin ang Japan sa mga international competitions.     Ayon kay Saso, mananatili sa kanyang puso at isipan ang dugong Pinoy dahil isa itong lehitimong Pilipina na ipinanganak sa Pilipinas ng kanyang Japanese na tatay at Pilipinang nanay.     Parehong kabisado […]