• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deparment of Health, todo panawagan sa publiko

TODO ngayon ang panawagan ng Department of Health (DoH) sa publiko na tumulong para bumaba ang bilang ng mga mayroong resistance sa antibiotics dahil na rin sa malawak na practice ng self-medication.

 

 

Sinabi ni DOH officer in charge Ma. Rosario Vergeire, kailangan daw ngayon ang whole of society approach para malutas ang naturang isyu.

 

 

Aminado si Vergeire na ang problema sa antimicrobial resistance ay tumataas sa bansa at ang pinaka-kritikal daw dito ay dadating na ang punto na ang mga ganitong ordinaryong ginagamit na gamot laban sa mga infection ay baka hindi na gagana sa ibang sakit ng Pilipino.

 

 

Ito ay dahil posibleng maging resistant na tayo sa hindi tamang paggamit at ang hindi tamang paggamit ng mga antimicrobials.

 

 

Sinabi ni Vergeire na ang antimicrobial resistance ay matagal na umanong problema sa health sector.

 

 

Paliwanag pa ni officer in charge ng DoH na kaugalian daw dito sa Pilipinas na imbes na pupunta sa mga kilinika at magpakonsulta sa doktor ay sila na ang nagp-prescribe sa kanilang mga sarili at sila na ang bibili sa mga botika.

 

 

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na raw si Vergeire sa iba pang government agencies para mapalakas ang kanilang adbokasiya at ma-regulate ang antimicrobials.

 

 

Tinukoy din nitong nagpasa na raw ang gobyerno ng regulations na sumusuporta sa antimicrobial resistance sa mga nakalipas na taon.

 

 

Kabilang na rito ang requirement ng prescriptions para sa antibiotics purchases para maiwasan ang hindi paggamit ng mga gamot. (Daris Jose)

Other News
  • MGA OPISYAL NAG-INSPEKSYON SA PALENGKE PARA TIYAKIN ANG PAGSUNOD SA EO 39

    NAG-IKOT sa NEPA Q Mart si Department of Interior and Local Government Secretary Benjamin Benhur Abalos Jr. upang mag-inspekyon kaugnay sa unang araw ng pagpapatupad ng Executive Order Number 39 o ang kautusang nagtatakda ng price ceiling sa bigas. Matatandaan na inilabas ang EO 39 bunsod na rin ng napipintong kakapusan sa suplay ng bigas […]

  • Velasco kay Cayetano: ‘Railroading’ at ‘flawed procedure’ ang ginawa nyo sa 2021 national budget’

    MARIING kinondena ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco si Speaker Alan Peter Cayetano at mga kaalyado nito dahil sa “pag-railroad” sa 2021 pro- posed P4.5-trillion national budget na nagresulta sa suspensyon ng plenary sessions hanggang Nobyembre 16.   Sinabi ni Velasco, ang ginawa ng kampo ni Cayetano ay salungat sa commitment nito na gawing bukas, […]

  • ‘Maling entry, karaniwang sanhi ng ‘di mahanap na voter’s data’

    NAGLABAS ng inisyal na pagtaya ang Comelec sa posibleng dahilan ng deactivated status ng ilang botante, kahit nakaboto sila sa nakaraang halalan.     Ayon kay Comelec Comm. George Garcia, maaaring resulta lamang ito ng maling record entry.     Kung minsan aniya ay mayroong naisasamang “Jr” sa record, ngunit hindi naman pala ito bahagi […]