• October 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deparment of Health, todo panawagan sa publiko

TODO ngayon ang panawagan ng Department of Health (DoH) sa publiko na tumulong para bumaba ang bilang ng mga mayroong resistance sa antibiotics dahil na rin sa malawak na practice ng self-medication.

 

 

Sinabi ni DOH officer in charge Ma. Rosario Vergeire, kailangan daw ngayon ang whole of society approach para malutas ang naturang isyu.

 

 

Aminado si Vergeire na ang problema sa antimicrobial resistance ay tumataas sa bansa at ang pinaka-kritikal daw dito ay dadating na ang punto na ang mga ganitong ordinaryong ginagamit na gamot laban sa mga infection ay baka hindi na gagana sa ibang sakit ng Pilipino.

 

 

Ito ay dahil posibleng maging resistant na tayo sa hindi tamang paggamit at ang hindi tamang paggamit ng mga antimicrobials.

 

 

Sinabi ni Vergeire na ang antimicrobial resistance ay matagal na umanong problema sa health sector.

 

 

Paliwanag pa ni officer in charge ng DoH na kaugalian daw dito sa Pilipinas na imbes na pupunta sa mga kilinika at magpakonsulta sa doktor ay sila na ang nagp-prescribe sa kanilang mga sarili at sila na ang bibili sa mga botika.

 

 

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na raw si Vergeire sa iba pang government agencies para mapalakas ang kanilang adbokasiya at ma-regulate ang antimicrobials.

 

 

Tinukoy din nitong nagpasa na raw ang gobyerno ng regulations na sumusuporta sa antimicrobial resistance sa mga nakalipas na taon.

 

 

Kabilang na rito ang requirement ng prescriptions para sa antibiotics purchases para maiwasan ang hindi paggamit ng mga gamot. (Daris Jose)

Other News
  • MOVIE ADAPTATION OF POPULAR TV ACTION-THRILLER “TOKYO MER” OPENS EXCLUSIVELY IN AYALA MALLS CINEMAS

    MOVED by the sight of medical practitioners and other essential workers risking their lives to save people at the height of the COVID-19 pandemic, TV producer Masanao Takahashi created Tokyo MER (stands for Mobile Emergency Room), a tribute to the heroes of the pandemic.      What started as a humble show of gratitude would go on […]

  • Speaker Romualdez: Kamara papanagutin mga opisyal na mali paggamit ng pondo ng bayan

    NAGBABALA si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga opisyal ng gobyerno na hindi kukunsintihin ng kamara ang maling paggamit ng pondo ng bayan.   Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng deliberasyon ng plenaryo sa panukalang P6.352 trilyong national budget nitong Lunes, iginiit ni Speaker Romualdez na hindi palalagpasin ng Kamara ang pagmamaliit sa trabaho nitong […]

  • PBBM, personal na binisita ang mga lugar na binaha at lubog pa rin sa baha sa Malabon, Navotas at Valenzuela

    KUMBINSIDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may pangangailangan na muling suriin ang disenyo para sa flood control facilities sa Kalakhang Maynila. Sinabi ng Pangulo na marami kasing flood control projects sa National Capital Region (NCR) ang hindi epektibo para pigilan ang pagbaha, maging ang volume o dami ng ulan na mas mababa kaysa sa […]