Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount
- Published on March 17, 2023
- by @peoplesbalita
IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril.
Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta na magiging bahagi ng programa.
Ayon kay Department of Transportation Undersecretary Mark Steven Pastor, ipapatupad ang bawas pasahe sa piling ruta sa mga siyudad na may pinakamaraming bilang ng pasahero upang na sa gayon ay mas marami pa ang matulungan ng programa matapos na mawala ang libreng sakay ng Edsa bus carousel na nagtapos noong December 31, 2022.
Sa ngayon, nag-aantay na lamang ang Land transportation franchising and regulatory board sa budget o pondo para sa nasabing programa na inaasahan na maumpisahan na sa susunod na buwan. (Daris Jose)
-
Drilon, Pia Cayetano nagsabong sa CREATE bill
IMINUNGKAHI ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hatiin sa dalawa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) bill upang maiwasan ang paghina ng Kongreso. “When you classify this measure as a revenue measure, then the President would have the power to exercise the line item veto over a matter, which is […]
-
Makakalaban niya si VM Yul ‘pag natuloy… GRETCHEN, matunog pa rin ang pangalan na tatakbong Vice Mayor
SA isang umpukan ng mga kasamahang kagawad ay napadako ang usapan namin sa mga taga-showbiz na possible pumalaot sa pulitika. Siyempre sa Maynila ay andyan at nag-iikot na sa Tondo anak ni Yorme Isko Moreno na si Joaquin Domagoso. May mga pangalan pang lumutang pero hindi pa sila nagpaparamdam. […]
-
Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial, ibinulsa ang 3rd gold medal ng Phl sa boxing sa SEA Games
PANALO sa pamamagitan ng stoppage ang Tokyo Olympic bronze medalist Eumir Marcial laban sa East Timorese slugger Delio Anzaqeci sa unang round pa lamang ng kanilang pagharap sa 31st Southeast Asian (SEA) Games na ginanap sa Bac Ninh Gymnasium. Ginamit ni Marcial ang kanyang jab para i-set up ang kanyang kalaban para sa […]