DepEd, binago ang alituntunin hinggil sa suspensyon ng klase sa panahon ng sakuna, kalamidad
- Published on September 3, 2022
- by @peoplesbalita
AWTOMATIKONG suspendido na agad ang klase sa lahat ng antas sa basic education, online at in-person sa lahat ng mga lugar na mayroong deklarasyon ng “typhoon, flood o rainfall warning” na ipinalabas ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).
Ito ang nakasaad sa binagong guidelines na ipinalabas ng DepEd hinggil sa kanselasyon o suspensyon ng klase at trabaho sa eskuwelahan pagdating ng bagyo, matindi at malakas na pag-ulan at pagbaha.
Sa panahon na may bagyo, ang in-person at online classes sa lahat ng antas ay awtomatikong kanselado sa mga eskuwelahan na ang Local Government Units (LGUs) ay may Tropical Cyclone Wind Signals (TCWS) 1, 2, 3, 4 o 5 ng PAGASA.
Kung ang TCWS ay ipinalabas sa panahon na ang klase ay nagsimula na, dapat na agad na suspendihin ng eskuwelahan ang klase at trabaho at kaagad na pauuwin ang lahat sa kanilang tahanan, kung ligtas itong gawin.
Gayunman, obligado naman ang eskuwelahan na panatilihing ligtas ang mga estudyante at mga tauhan nito sa loob ng eskuwelahan kung ang pagbibyahe ay hindi na ligtas.
Ang Local Chief Executive naman ang magdedesisyon ng kanselasyon o suspensyon ng klase sa mga pagkakataon naman na malakas ang ihip ng hangin sa partikular o lahat ng lugar ng LGU subalit hindi dahil sa mayroong bagyo.
Para naman sa heavy rainfall o matinding buhos at malakas na pag-ulan, ang in-person o online classes sa lahat ng antas ay awtomatikong kanselado sa mga eskwelahan na matatagpuan sa LGUs na may ipinalabas na Yellow, Orange at Red Rainfall Warning ng PAGASA.
Kung ang warning ay ipinalabas sa panahon na ang klase ay nagsimula na, awtomatikong susupendihin ng eskuwelahan ang klase at trabaho at kaagad na pauwiin ang mga estudyante at tauhan ng mga ito sa kanilang bahay, kung ito’y ligtas pa rin na gawin.
Gayunman, ang mga eskuwelahan ay obligado na panatilihing ligtas ang mga estudyante at tauhan nito sa loob ng eskuwelahan kung ang pagbyahe ay hindi na ligtas.
Ang Local Chief Executive pa rin ang magdedesisyon ng kanselasyon o suspensyon ng klase sa pagkakataon na mayroong “torrential rains” sa partikular o lahat ng lugar ng LGUs subalit walang ipinalabas na Heavy Rainfall Alert mula sa PAGASA.
Habang sa panahon naman ng pagbaha, ang in-person at online classes sa lahat ng antas ay awtomationg kanselado sa mga eskuwelahan sa LGUs na mayroong ipinalabas na Flood Warning ang PAGASA.
Kung ang Flood Warning ay ipinalabas sa panahon na ang klase ay nagsimula na, kaagad na sususpendihin ng eskuwelahan ang klase at trabaho at kaagad na pauuwin ang lahat sa kanilang tahanan, kung ligtas na gawin ito.
Gayunman, obligado naman ang mga eskuwelahan na panatilihing ligtas ang mga estudyante at tauhan sa loob ng eskuwelahan kung ang pagbiyahe ay hindi na ligtas. (Daris Jose)
-
Wrestling legend ‘Razor Ramon’ pumanaw na, 63
Pumanaw na ang wrestling star Scott Hall o kilala bilang si Razor Ramon sa edad 63. Kinumpirma ito ng World Wrestling Entertainment (WWE) matapos ang pagkaka-ospital nito ng ilang araw. Nagdesisyon na rin ang pamilya nito na tanggalin ang kaniyang life support matapos ang pagkaka-ospital ng tatlong beses na itong inatake […]
-
DBM, ipinalabas na ang P6.2B monthly ‘ayuda’ para sa mahihirap na pamilya
SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na ipinalabas na nito ang P6.2 bilyong piso para sa P500 monthly cash aid para low-income families. Layon nito na pagaanin ang paghihirap ng mga nasabing pinakamahihirap na pamilya sa bansa sa gitna ng patuloy na tumataas na presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin. […]
-
Lakers coach Frank Vogel sinibak sa puwesto – report
SINIBAK na sa puwesto ang head coach ng Los Angeles Lakers na si Frank Vogel. Ito ay matapos ang bigong pagpasok sa NBA playoffs ng Lakers ngayong season at nagtapos ngayong season na mayroong 33 panalo at 49 na talo. Naging coach ng Lakers si Vogel noong 2019 kapalit ng tinanggal […]