• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd employees, pinasalamatan ni VP Sara sa pagseserbisyo sa kabataan

PINASALAMATAN  ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga tauhan ng Department of Education (DepEd) dahil sa kanilang dedikasyon at pagmamahal sa pagseserbisyo sa mga kabataang Pinoy.

 

 

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Duterte na mala­king pasasalamat niya sa mga tauhan ng DepEd sa patuloy na pagtatrabaho kahit na may banta pa rin ng COVID-19 at iba pang mga kalamidad.

 

 

“Nagpatuloy kayo sa paggabay at paglinang ng murang kaisipan ng ating mga kabataan para maabot nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.Mahalaga ang inyong papel sa ating pag-unlad bilang isang bansa,” pahayag ni Duterte.

 

 

Binati rin ni Duterte ang mga ito ng masayang pagdiriwang ng Kapaskuhan, mapayapa at mapagpala at puno ng pag-asa sa pagpasok ng Bagong Taon.

 

 

“Patuloy nating mahalin ang Pilipinas,” sabi pa ni Duterte. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, nakiisa sa pagsisimula ng Ramadhan

    NAKIISA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Filipino Muslim community sa bansa at sa buong mundo  sa pagsisimula ngayong araw ng Huwebes, Marso 23, ng Holy Month of Ramadhan.     “In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, I join the Filipino Muslim community here and around the world as they […]

  • Nagpapagaling na matapos maoperahan: GARDO, inatake sa puso dahil sa matinding physical activities

    DINALA sa ospital noong nakaraang linggo ang aktor na si Gardo Versoza matapos na atakihin sa puso.     Ayon sa misis ng aktor na si Ivy Vicencio, nanakit ang likod ng aktor, pero ayaw pang magpadala sa ospital noong una dahil may taping pa kinabukasan. Kalaunan, nakumbinsi ni Ivy si Gardo na magpaospital, kaya […]

  • Ads July 8, 2024