• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd hinihintay ang abiso ng DOH hinggil sa expansion ng in-person classes

Hinihintay pa sa ngayon ng Department of Education (DepEd) ang abiso mula sa Department of Health bago pa man nila ituloy ang pagpapalawak ng in-person classes sa bansa.

 

 

Ayon kay Education Sec. Leonoro Briones, kakatanggap lamang nila ng abiso mula sa DOH na kung puwede ay hintayin muna matapos ang assessment period sa Enero 15 bago pa man magdesisyon kung papalawakin ba o hindi ang pilot implementation ng face-to-face classes.

 

 

Nauna nang sinabi ng DepEd na mabubukas sila ng mas marami pang mga paaralan para sa physical classes ngayong Enero bilang bahagi ng expansion phase.

 

 

Pero ayon kay Briones, sa ngayon ay isinasapinal pa nila ang kanilang report, na nakatakdang isumite kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Sa kasalukuyan, sinusunod ng DepEd ang three-phased plan para unti-unting buksan ang mga basic education schools, na karamihan ay sarado magmula noong Marso 2020 dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Kalagitnaan ng Nobyembre hanggang noong Disyembre ang pilot phase, na sinalihan ng nasa 300 paaralan.

 

 

Samantala, sinabi naman niEducation Assistant Secretary Malcolm Garma na suspendido pa rin ang in-person classess sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • P1 B fuel subsidy para sa mga drivers sinimulan na ang pamamahagi

    Sinimulan na ng Land Transportation Franchasing and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng P1 Billion na fuel subsidy sa mga drivers ng public utility jeepneys (PUJs).       Inaasahan na matatapos ngayon December ang pamamahagi ng fuel subsidy sa may 136,230 na PUJ drivers.       Ayon kay LTFRB OIC ng legal division […]

  • 75 katao nalason sa galunggong at tahong

    UMAABOT sa 75 ka­tao ang naratay dahil sa posibleng food poisoning matapos na kumain ng galunggong at tahong sa Brgy. Inirangan, Bayambang, Pangasinan, ayon sa ulat kahapon.     Sa report ng Municipal Health Office sa Office of Civil Defense Region, ang kinain na galunggong at tahong ay binili ng mga residente sa isang vendor. […]

  • IYA, naging emotional nang i-post ang photo nang umiiyak na anak na ‘di malapitan; naka-isolate sa bahay dahil COVID positive

    FOUR months preggy na si Iya Villania-Arellano, ang ‘Chika Minute’ host ng 24 Oras at ng morning show na Mars Pa More ng GMA Network, sa fourth child nila ni Drew Arellano.     Malungkot siya na nag-post dahil naka-isolate sa kanilang bahay dahil COVID-19 positive siya.           “The situation here in Casa […]