DepEd, iginiit na ginamit ang P150M confidential funds nito para kumalap ng impormasyon
- Published on September 4, 2023
- by @peoplesbalita
IPINALIWANAG ng Department of Education (DepEd) kung paano nito ginastos ang P150 million confidential funds nito.
Ayon kay DepEd spokesperson at Undersecretary Micahel Poa, bahagi ng mandato ng DepEd na magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante.
Aniya, ilan sa mga isyu na kinakaharap ng mga guro at mga mag-aaral ay sexual abuse, pangre-recruit ng mga bayolente at ekstremistang grupo, teroristang grupo, komunistang rebelde at mga insidente may kinalaman sa iligal na droga.
Kung kaya’t humihiling aniya ang ahensiya ng confidential funds para makakalap ng impormasyon kung saan talamak ang mga ganitong iligal na gawain.
Una ng inihayag ni VP Sara Duterte na ang pangangailangan at layunin ng confidential funds sa DepEd ay dahil nakatali ang basic education sa seguridad ng bansa. (Daris Jose)
-
145-M ‘unregistered’ sim cards, idedeactivate pagkatapos ng Pasko
I-DEDEACTIVATE dalawang linggo mula ngayon ang lahat ng mga bagong SIM card pagkatapos magkabisa ang bagong batas sa pagpaparehistro ng SIM card o ang Republic Act 11934. Kung ang indibidwal ay nakabili ng bagong SIM card, dapat irehistro ito sa tunay na pangalan at magpakita ng ID na ibinigay mismo ng gobyerno o […]
-
“Melor Robbery Gang”, nalansag ng Valenzuela police
NALANSAG ng mga awtoridad ang isang ‘Criminal Gang’ na responsable umano sa mga pagnanakaw sa iba-ibang lugar sa Valenzuela City matapos ang pagkakaaresto sa pinuno at mga miyembro nito. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, alas-3:15 ng madaling araw nang maaresto […]
-
Dwight Howard, ‘di pa rin sigurado kung maglalaro sa NBA restart – Lakers GM
Hindi pa rin umano sigurado ng Los Angeles Lakers kung maglalaro ba sa pagbabalik ng season si big man Dwight Howard. Una nang naghayag ng kanyang pagkabahala si Howard dahil sa napipintong NBA restart, pero hindi pa raw nito inaabisuhan ang kanyang team tungkol sa kanyang magiging plano. Sa kalagitnaan ng isyu sa […]