• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, ipauubaya na sa OSG ang paghahain ng kaso hinggil sa biniling ‘pricey’ laptop

IPAUUBAYA na ng Department of Education (DepEd) sa Office of the Solicitor General (OSG) ang paghahain ng kaso laban sa mga opisyal at tauhan na sangkot sa di umano’y biniling overpriced laptop.

 

 

Sa isang Viber message, siniguro ni DepEd spokesperson Michael Poa na handa silang tanggapin ang official report ng  Senate Blue Ribbon Committee. Ito’y may kinalaman ukol sa pagbili ng laptop ng DepEd sa pamamagitan ng Procurement Service – Department of Budget and Management o PS-DBM noong 2021.

 

 

“The filing of cases against past and present officials of the DepEd, as recommended by the Senate Blue Ribbon Committee, will be referred to the Office of the Solicitor General (OSG) for evaluation and appropriate action,” ayon kay Poa.

 

 

Tiniyak din ni Poa na kagyat na kumilos ang DepEd laban sa mga opisyal at tauhan na di umano’y sangkot sa nasabing usapin.

 

 

“There is a pending administrative case against one DepEd employee involved in the procurement,”  dagdag na wika nito.

 

 

Sa ulat, nauna nang inirekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng kasong graft laban sa ilang incumbent at dating opisyal ng DepEd at PS-DBM bukod pa rito ang mga kasong falcification of public documents at perjury,

 

 

Samantala, tinitingnan din ng DepEd ang napaulat na may isa pang set ng laptops ang ibinenta sa Cebu.

 

 

“The department is now coordinating with relevant law enforcement agencies to apprehend the perpetrators,” ayon kay Poa.

 

 

Kinumpirma naman ng  DepEd  ang napaulat na pagbebenta ng laptops sa isang surplus store, orihinal na binili para sa  DepEd Computerization Program. (Daris Jose)

Other News
  • Nadal at Federer magsasanib puwersa sa Laver Cup

    NAKATAKDANG magsama sa iisang koponan ang mga tennis star na sina Roger Federer at Rafael Nadal.     Nasa Europe team ang dalawa na makakalaban ang ibang mga bansa sa ikalimang edisyon ng Laver Cup.     Hindi naman katiyakan kung makakapaglaro ang 40-anyos na si Federer dahil sa tagal ng hindi pagiging aktibo mula […]

  • Sec. Lorenzana ‘stable’ ang kondisyon matapos mahilo, nasa hospital ngayon at nagpapahinga – DND

    NASA maayos na kalagayan ngayon si Defense Secretary Delfin Lorenzana, matapos na mahilo habang dumadalo sa programa ng ika-124th Independence Day ngayong araw, June 12,2022.     Ayon kay DND head Executive Assistant Peter Paul Galvez, stable ang kalagayan ng kalihim at kasalukuyang nagpapahinga sa isang pribadong hospital.     ” Papahingain muna namin kasi […]

  • Paglikha ng mga bagong Korte, ikinagalak ng SC

    IKINAGALAK ng Korte Suprema ang paglikha ng mga bagong dagdag na 60 Korte sa iba’t ibang lugar sa bansa.     Ayon sa SC, ang paglikha ng mga bagong Korte ay matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang Republic Act 12044 hanggang Republic Act 12054.     Sinabi rin ng SC na mapapabilis nito […]