DepEd kinumpirma, may mga kaso pa rin ng COVID-19 sa ilang eskuwelahan
- Published on October 5, 2022
- by @peoplesbalita
MAY mga kaso pa rin ng COVID-19 sa ilang eskuwelahan sa gitna ng pagpapatuloy ng face-to-face classes.
Iyon nga lamang hanggang ngayon ay hindi pa rin inilalabas ng Department of Education (DepEd) ang detalye ng mga kaso kabilang na ang eksaktong pigura at lokasyon ng eskuwelahan.
Subalit, tiniyak ng DepEd na mahigpit namang sinusunod ang health protocols.
“In a gathering of people, especially of learners and teachers in classrooms, expected naman po talaga na may mag-positive,” ang wika ni DepEd spokesperson Michael Poa.
“Hindi po ‘yan naiiba sa mga office situations. Gusto po natin iwasan talaga and that’s why we’re closely monitoring is ‘yung pagkakaroon ng surge,” dagdag na pahayag nito.
Sinabi pa ni Poa na mahigipit na ipinatutupad ng mga eskuwelahan ang minimum public health standards kabilang na sa Batasan Hills National High School (BHNHS) sa Quezon City kung saan mayroong 18,000 estudyante ang kasalukuyang naka-enroll.
“’Yung mga bata natin na nilalagnat ay pinapasundo na sa parents. Maliban sa monitoring sa gate, sa classroom chine-check noong subject teacher tsaka adviser,” ayon kay BHNHS officer-in-charge Cerilo Castillo.
Ani Castillo, walang COVID-19 case ang na-monitor sa institusyon simula nang magsimula ang in-person classes.
Sa ilalim ng DepEd Order No. 34, “students who will exhibit COVID-19 symptoms will be excused from in-person classes and will shift to distance or modular learning.”
Habang sa ilalim naman ng DepEd Order No 39, “schools are instructed to strengthen community monitoring measures and referral systems to the local government units (LGUs) and health centers and encourage participation and cooperation of parents and communities for safe transportation and home care isolation of students when sick.”
Samantala, hinikayat naman ng DepEd ang lahat ng mga estudyante, guro at non-teaching personnel na magpabakuna na laban sa COVID-19 at patuloy na sumunod sa minimum public health standards. (Daris Jose)
-
Office of the President nanguna sa may pinakamalaking nagastos na confi fund noong 2023
Nakagastos ang Office of the President sa ilalim ni Ferdinand Marcos Jr ng nasa P4.57 bilyon sa confidential at intelligence funds noong 2023. Ayon sa Annual Financial Report ng Commission on Audit na ang Office of the President ang siyang nanguna na nakagastos ng kanilang confidential at intelligence funds noong nakaraang taon. […]
-
Kasama sina Patricia, Sherilyn at Manoy Wilbert: GELLI, sobrang grateful na host ng programang marami ang matutulungan
SA newest public service program na “Si Manoy ang Ninong Ko”, ma-inspire sa mga kuwento ng pag-asa, katatagan, at modern day na ‘bayanihan’, simula na ngayong Linggo, ika-3 ng Marso sa GMA-7. Magsisilbing hosts sina Gelli de Belen, Patricia Tumulak, Sherilyn Reyes-Tan at si Manoy mismo, ang dating businessman at ngayon ay public servant, Agri […]
-
Fajardo inakay ang Gilas sa panalo
NAITAKAS ng Gilas Pilipinas ang dikit na 76-73 panalo kontra sa karibal na Thailand sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games 5-on-5 basketball kagabi sa Thanh Tri Gymnasium sa Hanoi, Vietnam. Maagang naiwan sa 10-point deficit ang Nationals bago sumandal kay June Mar Fajardo upang agawin ang manibela at diskarilin ang muntikang comeback […]