• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, lumikha ng task force para suriin ang SHS program

NAG-ORGANISA ang  Department of Education (DepEd) ng  national task force na susuri sa implementasyon ng senior high school (SHS) program.

 

 

Base sa memorandum na nilagdaan ni  DepEd Undersecretary Gina Gonong na may petsang Mayo 11, ang task force ay nilikha  “to address the emerging challenges in the implementation of the SHS program in both DepEd and non-DepEd schools.”

 

 

Ang task force ay nagsumite ng  report ng accomplishments at outputs kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte, sa pamamagitan ng Undersecretaries of the Curriculum and Teaching and Operation Strands, “on or before May 12, 2024.”

 

 

Kabilang sa mga responsibilidad ng task  force ay rebisahin ang umiiral na  program policies “to ensure consistency, responsiveness, and relevance” para sa pangangailangan ng mga mag-aaral at  stakeholders; at palakasin ang kasunduan sa  private sectors at iba’t ibang industriya sa  national at regional levels para mapahusay ang  SHS employability.

 

 

Inaasahan din na made-develop ang mga polisiya at plano  base sa program implementation review results at inaasahan na  future needs; at pakikipagtulungan sa mga mahahalagang tanggapan gaya ng  state universities at colleges, at public at private schools, para i-develop ang isang SHS database kabilang ang “policies, program offerings, and private school data.”

 

 

“As the nation strives for economic recovery and growth, it is becoming increasingly important for SHS graduates to have greater access to employment, entrepreneurship, advanced education, and training,” ang nakasaad sa memorandum.

 

 

Noong nakaraang Enero, sinabi ni Duterte na  nakatakdang suriin ng DepEd  ang  K to 12 curriculum sa layuning makapag-produce ng mas maraming job-ready at responsible graduates.

 

 

Sinabi ng DepEd na ang  task force ay kinabibilangan ng Secretariat na magbibigay ng administrative support para sa epektibong implementasyon ng  SHS Program Standards and Support Systems “by addressing logistical concerns and convening the members of the SHS NTF when needed.”

 

 

Samantala, itinalaga ng departmento ang  Assistant Secretary for Curriculum and Teaching, Curriculum Development, Learning Delivery, and Learning Resources bilang chairman ng  task force, at  Assistant Secretary for Operations bilang co-chair. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

Other News
  • ISANG MILYONG PISO, NATANGAY SA ISANG JEWELRY SHOP SA MAYNILA

    TINATAYANG   isang milyong piso ang natangay sa isang kabubukas lamang  na jewelry shop ng hinihinalang tatlong suspek Miyerkules ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.   Ayon sa may-ari ng Dulo’s jewelry  na si Dulo Cai ,  isang Filipino-Chinese na kabubukas lamang niya ng kanilang store  na matatagpuan sa Recto Avenue  sa pagitan  Torres St at […]

  • P103K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM, 27 PANG TULAK, BINITBIT SA BUY BUST SA CAVITE

    TINATAYANG P103K halaga ng shabu ang nasamsam sa pagkakaaresto sa tatlong hinihinalang tulak habang dalawampu’t-pito na iba ang binitbit sa isinagawang buy bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Cavite .     Kinilala ang mga naaresto na sina Emily Valerio y Santos, dalaga, 62  ng 1st St. Sto. Niño, Niog 3, Bacoor […]

  • Supply ng face shields sa bansa, tiniyak ng Malakanyang

    TITIYAKIN ng pamahalaan na may sapat na suplay ng face shields sa buong Pilipinas. Ito’y matapos na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield para sa mga mananakay simula sa Agosto15. Magkatuwang na pangangasiwaan ng Department of Trade and Industry, at Department of Health ang suplay ng face shields sa bansa. “Sisiguraduhin naman po ng […]