• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd, maingat na magtatakda ng school break

SINABI ni Education Secretary Leonor Briones na maingat silang magtatakda ng school break lalo pa’t ang mga estudyante ay nagkaroon na ng anim na buwan na bakasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.

 

Sa Laging Handa briefing, tinukoy ni Sec. Briones ang epekto ng walang klase sa mga mag-aaral.

 

“Kung i-extend natin ang bakasyon, we had nearly six months kung saan ang mga bata hindi pumapasok. Ngayon, lumalabas na ang mga resulta, pag-aaral, opinion na kung ano ang epekto sa mga bata na hindi sila pumapasok,” ayon sa Kalihim.

 

“We are very careful in calibrating itong bakasyon kasi nakapagbakasyon na sila ng anim na buwan. Magdagdag naman tayo ng bakasyon,” dagdag na pahayag nito.

 

Maliban dito, sinabi ni Sec. Briones na kinukunsidera ng DepEd kung ang tagal ng summer vacation ay makatutulong sa implementasyon para sa academic ease.

 

“So ako nagsabi, makakatulong ba ‘yan  sa academic ease? Kung ‘yan ay makakatulong…e gagawin namin,” ani Sec. Briones.

 

“Remember other countries opened in June, we opened in October. Kapag sabihin mong i-extend mo ‘yung vacation, we have to balance also the impact of another series of no classes and so on, when the children are asking for academic ease,” aniya pa rin.

 

Ang School Year 2020-2021 ay nagsimula noong Oktubre 5 sa pamamagitan ng blended learning, kung saan ang mga estudyante ay hindi kailangan na pumunta ng personal sa mga eskuwelahan para magpartisipa sa klase upang maiwasan ang posibleng paglipat ng virus.

 

Nito lamang nakaraang Lunes ay sinabi ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na kinukunsidera ng departamento ang pagpapaiksi sa two-month summer break ng mga estudyante at gawin itong dalawang linggo at i-extend ang school year.

 

Sinabi pa ni San Antonio na ang posibleng extension ng dalawang linggo ay naglalayong bigyan ng mas maraming oras ang mga estudyante na makumpleto ang kanilang mga school requirements sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • Country classification, suspendido simula Pebrero 1

    SIMULA Pebrero 1, 2022 ay suspendido muna ang country classification o ang green, yellow at red classification ng mga bansa, teritoryo at hurisdiksyon     Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secetary Karlo Nograles, base ito sa ipinalabas na IATF resolution No. 159.     Sa darating na Pebrero 10 naman ay bubuksan na […]

  • Mayor Guo sinalag ‘conspiracy’ sa POGO

    NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala itong koneksyon sa anumang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) operations sa bansa kaya maling tawagin itong “conspirator” nang walang matibay na ebidensya.     Ang pahayag ay ginawa ni Mayor Guo bilang reaksyon sa kasong Anti-Trafficking in Persons na isinampa laban sa kanya sa Department of […]

  • P100 kada litro na presyo ng langis, binabantayan – DOE

    INAMIN ni Oil Industry Management Bureau (OIMB) Dir. Rino Abad na nananatili ang posibilidad na pumalo sa P100 kada litro ang presyo ng langis.     Ayon kay Abad maraming factors ang kanilang nakikita na maaaring magresulta sa panibagong oil price increase.     Pero lumalabas sa hiwalay na datos na may mga lugar nang […]