• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd: Mga paaralan, last option sa vaccination sites

Nagpaalala ang Department of Education (DepEd) na ang mga paaralan ay dapat na gamitin lamang bilang last resort o huling opsiyon bilang vaccination sites, ngayong nagpapatuloy na ang inoculation rollout ng pamahalaan laban sa COVID-19.

 

 

Binigyang diin ni DepEd Sec. Leonor Briones ang panukala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng Department of Interior and Local Government (DILG) na gagamitin lamang ang mga paaralan kung wala nang iba pang pasilidad sa mga lokalidad.

 

 

Nakasaad sa polisiya ng DepEd sa pagpapatupad ng Philippine National Deployment and Vaccination Plan (NDVP) para sa COVID-19 na ang pagpili sa mga paaralan bilang last resort ay dapat na nasa istratehikong lokasyon na may sapat na espasyo, pasilidad, at human resources, kasama ng iba pang pamantayan na itinakda ng DOH.

 

 

Bilang pagsasaalang-alang sa kaligtasan at kapakanan ng mga kawani ng DepEd na nagtatrabaho onsite at mga mag-aaral, binigyang-diin din ng Kalihim na ang mga pilot school na napili para sa face-to-face learning at mga paaralan na may ongoing health-related projects ay hindi kasama sa posibleng maging vaccination center.

 

 

Bukod dito, ang mga LGU at health officials ang magpapasya kung gagamitin ang mga paaralan bilang isolation at immunization site dahil ang paggamit dito para sa parehong dahilan ay hindi inirerekomenda.  (Gene Adsuara)

Other News
  • BAGONG BI CHIEF, NANGAKO NG MGA BAGONG REPORMA SA AHENSIYA

    IKINAGALAK ng Bureau of Immigration (BI) si Atty Joel Anthony M. Viado bilang bagong Commissioner.     Italaga si Viado bilang officer-in-charge noong nakaraang buwan kung saan dati siyang Deputy Commissioner simula pa noong April 2023 kasama sina Deputy Commissioners Daniel Laogan at Aldwin Alegre.     Bilang Abogado, na may sapat na kaalaman sa […]

  • Kahit tahimik lang sa mga pamumuna o panlalait: BEA, magiging ipokrita kung sasabihing hindi siya nasasaktan

    TAHIMIK lang si Bea Alonzo sa mga ibinabatong pamumuna o panlalait o kritisismo sa kanya.   Pero inamin nito sa naging solo presscon niya para sa GMA Telebabad na “Start-Up PH” na magiging ipokrita raw siya kung sasabihin niyang hindi siya nasasaktan.   Sabi nga ni Bea, “Siyempre hindi ako magiging ipokrita, sometimes, nasasaktan ako. […]

  • Full face to face classes ng public schools sa Nobyembre 2, tuloy – DepEd

    TULOY pa rin ang pagpapatupad ng limang araw na face-to-face classes sa mga pampublikong paaralan simula Nobyembre 2 sa kabila ng pagkumpirma ng Department of Health (DOH) na nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron XBB subvariant at XBC variant ng COVID-19.     Ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa, wala pa silang anumang amendments […]