DepEd, naghahanda na para sa 2022 global learning assessment
- Published on November 28, 2020
- by @peoplesbalita
Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na bumuo na sila ng technical working group para ihanda ang mga guro at estudyante na lalahok sa isang international learning assessment.
Ayon kay Education Undersecretary Nepomuceno Malaluan, lalahok ang bansa sa susunod na Programme for International Student Assessment (PISA), na gaganapin sa 2022.
Bagama’t kumpiyansa ang kagawaran na mas maganda ang ipakikita ng mga estudyante sa susunod na assessment, marami pa raw silang kailangang gawin.
“Our decision is to continue participating in PISA. Now we have the benchmark of the 2018 PISA results and we want to see whether our interventions are working,” wika ni Malaluan.
“We have created a technical working group for international large-scale assessments. These have been meeting consistently,” dagdag nito.
Kung maaalala, noong 2018 PISA ay nangulelat sa reading comprehension o pag-intindi sa binabasa ang mga Pilipinong mag-aaral mula sa 79 na bansang kumuha nito.
Bagsak din ang Pilipinas sa Mathematics at Science, na pumangalawa sa nakakuha ng pinakamababang ranggo.
-
Laking gulat na sinundo sa airport kahit nagti-taping… BIANCA, kinilig sa sweet gesture ng boyfriend na si RURU
AMINADONG kinilig si Sparkle actress Bianca Umali sa sweet gesture ng kanyang boyfriend at kapwa Kapuso actor na si Ruru Madrid nang sorpresahin siya nito. Sa post ni Bianca sa Instagram account niya, sinabi niyang nagsinungaling man si Ruru sa kanya, “it was one of the sweetest moments of my life.” […]
-
Mga chikiting, puwede ng pumunta sa mga malls sa Kalakhang Maynila
PINAPAYAGAN na ang mga menor de edad at mga chikiting na pumasok sa loob ng malls sa Kalakhang Maynila matapos na ilagay sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 2 ang NCR. Subalit paglilinaw ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na kailangang magbigay ang local government units (LGUs) ng karagdagang guidelines gaya […]
-
Polidario, Magdato wagi
IBINAON nina Alexa Polidario at Erjane Magdato ng Abanse Negrense A sina DM Demontano at Jackie Estoquia, 21-15, 21-17, upang magreyna nitong Linggo sa Gatorade 7th Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup 2021 sa Subic Bay Freeport. “Sobrang saya. It’s a blessing kasi kahit first time namin mag-join ng ganitong league […]