DepEd, naglaan ng P1-B na pondo para sa expansion phase ng limited F2F classes
- Published on March 18, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLAAN ng humigit-kumulang isang bilyong piso ang Department of Education (DepEd) bilang support funds para sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones na ito ay bilang paghahanda ng kagawaran para sa mas dumarami pang mga paaralan na nakatakdang lumahok sa progressive expansion ng limitadong face-to-face classes sa bansa.
Iniulat naman ni Undersecretary for Finance Annalyn Sevilla na ang kagawaran ay naghanda ng pondo para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa pagpapatupad ng safety measures laban sa COVID-19 sa mga paaralan at makapagbigay ng mga learning materirals para sa blended learning ng mga mag-aaral.
Ang naturang budget ay ipammahagi sa lahat ng mga public schools na maaaring gamitin para magkaroon ng mga telebisyon, speakers, at laptop ang mga silid-aralan para suportahan ang blended learning ng naturang expansion phase ng isinasagawang in-person classes sa bansa.
Samantala, muli namang binigyang-diin ni Secretary Briones na hindi ibig sabihin ng programang progressive face-to-face classes ng kagawaran ay iiwanan na aniya ang konsepto ng blended learning.
Magugunita na noong Marso 1 ay iniulat ng DepEd na mayroong 4,295 na paaralan sa 6,213 na mga eskwelahan ang nagpapatupad na ng limitadong face-to-face classes sa buong bansa. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Testing Czar Sec. Dizon, aminadong napakahirap ma-predict ng new variants ng virus
“Very unpredictable at napakahirap i-predict ng new variant ng COVID-19” Ito ang pag-amin ni Testing Czar Sec. Vince Dizon makaraang mabulaga ang bansa sa mabilis na pagdami ng new variant cases ng virus noong nakalipas na ilang buwan na naging dahilan kung bakit kinulang ang itinayo ng gobyerno na 10,000 ICU at hospital beds […]
-
GILAS PILIPINAS, NAKAHANDA NA SA FIBA ASIA CUP 2021 QUALIFIERS
NAKAHANDA ang Gilas Pilipinas sa kanilang pagsabak sa mga laro ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers sa Manama, Bahrain. Isasagawa ng nasabing bansa ang “bubble” type game sa group A at D. Kasama kasi sa Group A ng Pilipinas ang South Korea, Indonesia at Thailand habang sa Group D naman ay binubuo ng […]
-
Gatchalian, Tiangco brother, Sandoval nagpasalamat sa pagbisita at tulong ni PBBM
NAGPASALAMAT sina Mayor WES Gatchalian, Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco at Mayor Jeannie Sandoval kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbisita nito sa Valenzuela, Malabon at Navotas Cities para suriin ang epekto ng bagyong Carina at Habagat na nagdulot ng matinding pagbaha sa Metro Manila na naging dahilan upang isailalim sa state […]