DepEd, nagsisi sa kakulangan ng guidance counselors, nangako na aayusin ang pay issue
- Published on February 1, 2023
- by @peoplesbalita
AMINADO ang Department of Education (DepEd) na kapos ito sa guidance counselors para daluhan ang “psychosocial needs” ng mga estudyante.
Ang kakapusan sa mga guidance councilors ay bunsod ng mababang bayad at kakulangan ng career progression.
“Nahihirapan tayo mag provide ng guidance counselors sa lahat ng paaralan dahil sa salary grade ng guidance counselors,” ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa sa isang panayam.
“Parang wala silang career progression sa ngayon,” dagdag na wika nito.
Araw ng Huwebes, nasawi ang isang 12-taong gulang na bata matapos niyang aksidenteng maputukan ang sarili ng baril na kaniyang dinala sa eskwelahan sa San Jose Del Monte City, Bulacan habang noong nakaraang linggo ay patay aman ang isang grade 7 student matapos saksakin ng kanyang kaklase sa loob mismo ng paaralan na pinapasukan nito sa lungsod ng Quezon.
Tinuran ni Poa na ang mga violent incidents na kinasasangkutan ng mga kabataang estudyante ay maaaring may kaugnayan sa mental health issues.
“The problem is deeper than security,” ayon kay Poa sabay sabing ang presensiya ng guidance counselors sa bawat eskuwelahan ay makatutulong n tugunan ang “mental health needs” ng mga estudyante.
“Ang teachers, meron po ‘yang teacher 1, teacher 2, teacher 3. Pero pagdating ng sa counselors nakikita natin ‘yung kawalan ng ganoong progression and that is something we like to work on,” ang wika ni Poa.
“Ayoko muna i-preempt but that is something the Vice President would like to address sa kanyang basic education report this Monday,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sinabi ng DepEd na hihingin nito ang tulong ng mga mental health experts at advocates para lumikha at magpatupad ng mga programa para tugunan ang karahasan sa mga paaralan na kinasasangkutan ng mga estudyante.
“This is an opportunity for us lalo na ngayong we are reviewing the K to 12 curriculum to put in the subjects na hindi lang makatutulong sa academics kundi pati sa mental health at internet use,” ani Poa.
Samantala, ukol naman sa security concerns sa mga eskuwelahan, sinabi ni Poa na inatasan na ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang lahat ng regional at schools division offices na makipag-ugnayan sa Philippine National Police para madetermina kung anong paaralan ang kailangang isailalim sa spot inspections ng mga armas o sandata sa hanay ng mga mag-aaral at staff members. (Daris Jose)
-
Obiena ikinalungkot ang hindi pagsali sa World Indoor Championship
IKINALUNGKOT ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang hindi niya pagsali sa World Indoor Championship na gaganapin sa susunod na linggo sa Belgrade, Serbia. Ito ay kahit na siya ay kuwalipikado sa nasabing torneo. Sa kanyang social media account ay inihayag ni Obiena na sa mga nagdaang torneo ay malinaw na […]
-
‘State of public health emergency, ‘di pa aalisin hanggang sa katapusan ng 2022’
PAPALAWIGIN pa ang umiiral na state of public health emergency sa Pilipinas na inisyal na idineklara dahil sa COVID-19 outbreak hanggang sa katapusan ng taong 2022. Sa isinagawang vaccination campaign ng Department of Health na dinaluhan ng Pangulong Bongbong Marcos sa lungsod ng Maynila, sinabi ng Pangulo na kung ititigil ang state of […]
-
‘Logan’ Star Shares Key Advice Hugh Jackman Gave Her
LOGAN star Dafne Keen shares the advice Hugh Jackman gave her on set of the X-Men film. Jackman made his debut as Wolverine in the 2000 film X-Men and went on to reprise the role nine times over nearly two decades, effectively ending his character’s run with 2017’s Logan (though he will be returning […]