• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd ‘no comment’ sa panukalang P50k minimum salary ng entry-level teachers

Imbis na sumang-ayon o tumutol, aantayin muna ng Department of Education (DepEd) ang pananaw ng World Bank tungkol sa isyu ng pagtataas ng sweldo ng mga guro sa mga pampublikong paaralan.

 

 

‘Yan ang pahayag ni DepEd Undersecretary Michael Poa ngayong Huwebes ilang araw matapos ihain ng Makabayan bloc ang House Bill 9920 — bagay na nagtatakda sa minimum salary ng mga guro sa P50,000.

 

 

“We cannot comment on the amount because we are still waiting for the study from the World Bank,” ani Poa sa isang statement na ipinadala sa mga reporters ngayong araw.

 

 

“We are expecting preliminary results from the World Bank in a few weeks. They are just requesting for additional data from DepEd which we are now processing.”

 

 

Una nang iniulat ng state-owned Philippine News Agency na kasalukuyang inaaral ng World Bank ang mga sweldo ng guro sa Pilipinas, bagay na isusumite rin daw kalaunan sa tanggapan ni Bise Presidente Sara Duterte, na siya ring kalihim ng DepEd

 

 

Layunin ng HB 9920 na inihain ng ACT Teachers party-list, Kabataan party-list at Gabriela Women’s party na tiyaking nakasasapat ang sahod ng mga gurong Pilipino, lalo na’t nasa Salary Grade 11 lang aniya ang iniuuwi ng ilang mid-level personnel gaya ng mga public school teachers.

 

 

Katumbas ang Salary Grade 11 ng P22,316 hanggang P24,391 buwanang sahod, alinsunod sa na rin sa Salary Standardization Law.

 

 

Wala pa ito sa P25,946/buwan na family living wage (FLW) para sa mga pamilyang nakatira sa Metro Manila, ayon sa estima ng IBON Foundation.

 

 

Tinatalakay sa ngayon ang planong pagtataas sa minimum na sweldo habang pinag-uusapan sa ngayon ang P100 na umento sa arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor

Other News
  • PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions

    Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.     Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Admi­nistrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus […]

  • Handog ng Globe para sa kabataang Pinoy: BINI at SunKissed Lola, pangungunahan ang ‘G FEST 2024’

    ANG Globe ay naghahanda upang bigyang-inspirasyon ang mga kabataang Pilipino sa G FEST 2024, na isang electrifying three-leg event sa Manila, Iloilo, at Davao na pinaghalong musika at pagkamalikhain upang magbigay ng inspirasyon sa lakas ng loob at magpakawala ng pagpapahayag ng sarili.     Ang G FEST ngayong taon, bahagi ng taunang pagdiriwang ng […]

  • Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay

    BILANG  pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay.     Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang […]