DepEd, pangungunahan ang 2023 National ‘Brigada Eskwela’ kick-off sa Tarlac
- Published on August 9, 2023
- by @peoplesbalita
PINANGUNAHAN ng Department of Education (DepEd) ang National “Brigada Eskwela” (BE) kick-off program ngayong taon sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan ng Tarlac.
Ang “Brigada Eskwela” ay inisyatiba ng DepEd sa ilalim ng Adopt-A-School Program na nananawagan para sa “engagement and collaboration” ng iba’t ibang personnel at stakeholders, gaya ng subalit hindi limitado sa estudyante, guro, school officials, pribadong indibidwal, community members, local government officials, non-government organizations (NGOs), religious groups, at iba pang private sector para sa pagiging handa ng mga paaralan sa pagbubukas ng klase.
Gaya ng inanunsyo ng DepEd, ang national kick-off program ay ginawa noog Lunes, Agosto 7, sa Tarlac National High School.
Pinayagan naman ng DepEd ang Regional Offices (ROs) at Division Offices (DOs) nito na magdaos ng kanilang sariling kick-off ceremonies at advocacy activities matapos ang national kick-off program. Mula Agosto 8 hanggang 11, maaaring maglunsad at ikampanya ng ROs at DOs ang “Brigada Eskwela” sa kani-kanilang mga lugar.
“Known as the National Schools Maintenance Week, the BE also refers to a week dedicated to the conduct of activities to prepare the school for the opening of classes,” ayon sa DepEd.
Para sa School Year (SY) 2023-2024, ang DepEd, sa pamamagitan ng External Partnerships Service (EPS), ay magpapatupad ng “Brigada Eskwela” Program sa Agosto 14 hanggang 19 na may temang “Bayanihan Para sa MATATAG na Paaralan.”
Matatandaang, tinintahan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang DepEd Order No. 21 series of 2023, may petsang Agosto 3 o 2023 Brigada Eskwela Implementing Guidelines.
“School heads, teachers, and other school personnel were “strictly prohibited” from soliciting or collecting any form of contribution including volunteers, partners, and stakeholders,” ang nakasaad sa DO.
“The Brigada Eskwela activities shall focus on voluntary work and participation to ensure that schools are adequately prepares for the upcoming school year,” ang wika ng DepEd.
Ang paghahanap para sa ‘best implementing schools’ at iba pang aktibidad ay hindi na bahagi ng BE, sinabi ng DepEd na ang hakbang na ito ay naglalayong tiyakin na ang programa ay magiging “true to the spirit of volunteerism.”
Sa kabila nito, pinayagan naman ng DepEd ang “recognition and appreciation of partners and stakeholders that “contributed to the success” ng BE.” Gayunman, pagdedesisyunan aniya ito ng ‘school, district, o division levels only.’
Samantala, sinabi pa ng DepEd na ang lahat ng Covid-19 restrictions, kabilang na subalit hindi limitado sa pagsusuot ng face masks at pagdistansiya ay binawi na sa pamamagitan ng ipinalabas na Presidential Proclamation No. 297, nagsasaad nang pagbawi sa State of Public Health Emergency sa buong bansa dahil sa Covid-19. (Daris Jose)
-
Miyembro ng “Andaya Criminal Group”, tiklo sa baril at granada sa Caloocan
ISANG miyembro umano ng “Andaya Criminal Group” na sangkot sa pagbebenta ng baril sa Northern Part ng Metro Manila ang arestado sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City. Kinilala ang naarestong suspek bilang si Jun Lemana alyas “Bay”, 39, vendor ng 43 Ovalleaf Maligaya street, Parkland Brgy., 177 ng lungsod. […]
-
May pantapat na ang TV5 kina Luis at Dingdong: JOHN, first-timer pero swak na swak na host ng ‘SPINGO’
ANG larong Bingo na paborito ng mga Pilipino ay may bagong bihis na nagdadala ng susunod na antas ng paglalaro sa Philippine TV. Sa pamamagitan ng international format, kasama ang first-time game show host na si John Arcilla, ipakikilala ng TV5 ang SPINGO, isang game show na maghahandog ng interactive na karanasan para […]
-
Panukala na magpapalawak sa potensyal ng gastronomiya sa Pilipinas, inihain
BILANG paggigiit sa pangangailangan na ganap na mapalawak ang buong potensyal ng bansa sa gastronomiya, hinimok ng isang mambabatas ang paglikha ng isang ahensiya na magiging responsable sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya, at pagsasagawa ng mga programa at oportunidad para sa gastronomiya at sektor ng culinary heritage. Iniakda ni Pangasinan Rep. […]