DepEd, pinalawig ang school year hanggang Hulyo 10, 2021
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
Pinalawig ng Department of Education ang school year para sa basic education level sa Hulyo 10.
Sa isang kautusan, sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na natukoy ng kagawaran ang mga learning gaps sa mga estudyante matapos ang patuloy nilang pag-monitor sa implementasyon ng distance learning.
Maliban dito, bibigyan din ng karagdagang instructional time ang mga guro para sa iba’t ibang learning delivery modalities.
“These learning gaps are attributable to reduced academic opportunities at home and substantial loss of live contact with teachers,” wika ni Briones.
Sang-ayon sa kautusan, inurong ng DepEd ang third grading period sa Mayo 15 mula sa Marso 22, habang ang fourth quarter ay sa Hulyo 10 mula sa Mayo 17.
Nagtapos noong Pebrero 27 ang second quarter.
Orihinal namang itinakda ang pagtatapos ng school year sa Hunyo 11.
Mula Marso 1 hanggang 12, magsasagawa ang mga paaralan ng intervention at remediation activities para sa mga mag-aaral.
Sa Marso 15 hanggang 19 naman, dadalo sa isang professional development program na inorganisa ng mga eskwelahan o iba pang mga kaukulang units ng DepEd ang mga guro.
Saklaw sa bagong polisiya ang lahat ng mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa buong bansa.
Samantala, ang mga pribadong eskwelahan, technical and vocational institutions, at higher education institutions na nag-aalok ng basic education ay hinihikayat lamang na ipatupad ang guidelines ng ahensya.
Hindi naman tiyak sa ngayon kung paiiklin ng bagong polisiya ang summer break ng mga estudyante. (Daris Jose)
-
Marami pang kaabang-abang na eksena sa ‘Bolera’: KYLIE, nadala at pinaghusay pa ang pag-arte dahil kay RAYVER
LAST two weeks na lamang mapapanood ang top-rating primetime series na gabi-gabing inaabangan, ang first sports serye sa GMA Network, ang “Bolera.” Sa recent interview kay Kylie Padilla, nang tanggapin daw niya ang offer na maging isang billiard player sa serye, itinuring na niyang ito ang perfect comeback show para sa kanya, after magpahinga […]
-
Tim Cone hindi nababahala sa bagong coach ng New Zealand; Quiambao may malaking papel sa laban ng Gilas Pilipinas
Hindi nababahala si Gilas Pilipinas coach Tim Cone sa bagong stratehiya na maaring ipagana ng bagong coach ng New Zealand. Sinabi nto na kumpiyansa ito sa kaniyang mga manlalaro lalo na at may idinagdag na sila malaking manlalaro sa katauhan ni Kevin Quiambao. Pinayagan kasi ng La Salle Green Archers na […]
-
KELLEY, nakabalik na at nagpasalamat sa suportang natanggap during and after the pageant
NAKABALIK na sa bansa ang tinanghal na first runner-up sa Miss Eco International pageant sa Egypt na si Kelley Day. April 4 noong maganap ang coronation night ng Miss Eco International kunsaan ang nagwagi ay si Gizzelle Uys of South Africa. Pero hindi agad nakabalik si Kelley dahil sa mahigpit na travel restrictions […]