DepEd, pinalawig ang school year hanggang Hulyo 10, 2021
- Published on March 4, 2021
- by @peoplesbalita
Pinalawig ng Department of Education ang school year para sa basic education level sa Hulyo 10.
Sa isang kautusan, sinabi ni Education Sec. Leonor Briones na natukoy ng kagawaran ang mga learning gaps sa mga estudyante matapos ang patuloy nilang pag-monitor sa implementasyon ng distance learning.
Maliban dito, bibigyan din ng karagdagang instructional time ang mga guro para sa iba’t ibang learning delivery modalities.
“These learning gaps are attributable to reduced academic opportunities at home and substantial loss of live contact with teachers,” wika ni Briones.
Sang-ayon sa kautusan, inurong ng DepEd ang third grading period sa Mayo 15 mula sa Marso 22, habang ang fourth quarter ay sa Hulyo 10 mula sa Mayo 17.
Nagtapos noong Pebrero 27 ang second quarter.
Orihinal namang itinakda ang pagtatapos ng school year sa Hunyo 11.
Mula Marso 1 hanggang 12, magsasagawa ang mga paaralan ng intervention at remediation activities para sa mga mag-aaral.
Sa Marso 15 hanggang 19 naman, dadalo sa isang professional development program na inorganisa ng mga eskwelahan o iba pang mga kaukulang units ng DepEd ang mga guro.
Saklaw sa bagong polisiya ang lahat ng mga pampublikong elementarya at sekondaryang paaralan sa buong bansa.
Samantala, ang mga pribadong eskwelahan, technical and vocational institutions, at higher education institutions na nag-aalok ng basic education ay hinihikayat lamang na ipatupad ang guidelines ng ahensya.
Hindi naman tiyak sa ngayon kung paiiklin ng bagong polisiya ang summer break ng mga estudyante. (Daris Jose)
-
FDA: EUA ng mga bakuna, maaari pang mabago kung may safety issue
Binigyang-diin ng Food and Drug Administration (FDA) na maaari pang mabago ang mga kondisyon sa emergency use authorization (EUA) sakaling magpakita ng isyu sa kaligtasan ang isang vaccine product. Pahayag ito ni FDA director-general Eric Domingo matapos mamatay ang 23 senior citizens sa Norway matapos maturukan ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNTech. Ayon […]
-
La Salle swak sa Final 4
NAIPORMALISA ng De La Salle University ang pag-entra sa Final Four matapos sikwatin ang 64-51 panalo sa Adamson University sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa MOA Arena sa Pasay City. Bago makuha ang panalo, dumaan muna sa matinding pagsubok ang Green Archers kung saan tabla sa 43-all ang iskor sa […]
-
Big challenge ang paggamit ng Danish language: GERALD, magbabalik bilang Thuy sa ‘Miss Saigon’ sa Denmark
BALIK ‘Miss Saigon’ si Gerald Santos as Thuy pero this time sa Miss Saigon edition ng Denmark which goes onstage next year Unang ginampanan ni Gerald ang role ni Thuy sa ‘Miss Saigon UK’ International Tour noong 2017 to 2019. In fact, he has logged 553 performances as Thuy, pinakarami sa lahat ng […]