• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd: Private schools, puwedeng mag-distance, blended learning

MAAARI pa ring magpatupad ng distance at blended learning, paglampas ng Nobyembre 2, ang mga pribadong paaralan sa bansa.

 

 

Ito’y matapos na ilabas ng Department of Education (DepEd) kahapon ang Department Order (DO) 044 na pirmado ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte.

 

 

Sa ilalim ng naturang kautusan, inaamiyendahan ang DO 034, o ang School Calendar of Activities for the School Year 2022-2023, na unang inisyu ng DepEd at nagmamandato sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan na magdaos na ng limang araw na face-to-face classes simula sa Nobyembre 2.

 

 

Nakasaad rin sa bagong kautusan na ang mga pribadong paaralan ay maaari pa ring magpatupad ng blended learning at full distance learning.

 

 

Sa ilalim ng blended learning scheme, ang mga private schools ay maaaring magkaroon ng tatlong araw na in-person classes at dalawang araw ng distance learning, o di kaya ay apat na araw na in-person classes at isang araw na distance learning.

 

 

Sinabi pa ng DepEd na maaari na rin umanong magdaos ang mga private schools ng limang araw na in-person classes.

 

 

Samantala, ayon pa sa DepEd, ang lahat naman ng mga pampublikong paaralan ay dapat na nagdaraos na ng limang araw na face-to-face classes, simula sa Nobyembre 2.

 

 

“After the said date, no public school shall be allowed to implement purely distance learning or blended learning, except for those that are expressly provided an exemption by the Regional Director, those whose classes are automatically cancelled due to disaster and calamities, and those implementing Alternative Delivery Modes,” bahagi pa ng kautusan.

 

 

Kaugnay nito, nagpasalamat naman ang grupo ng mga pribadong paaralan na Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA), sa DepEd dahil sa naturang bagong kautusan. (Daris Jose)

Other News
  • Swiss Ambassador, Philippine Cancer Society, ICANSERVE Foundation and Novartis hand over Pink Initiative Manifesto of Patient Support to PH Government officials

    Swiss Ambassador H.E. Dr. Nicolas Brühl together with leaders of the Philippine Cancer Society, ICANSERVE Foundation and Novartis Healthcare Philippines formally handed over the Pink Initiative Discussion Paper and Manifesto of Patient Support to officials of the Philippine Government. The formal handover was held last February 29 at the Novartis-supported plenary session “Beyond the Pink […]

  • Expanded Solo Parents, batas na

    BATAS na ang Expanded Solo Parents Welfare Act matapos mag “lapse into law” kung saan nadagdagan ang mga benepisyong matatanggap sa gobyerno ng mga solo parents.     Sa ilalim ng Republic Act 11861 na nag-aamiyenda sa ilang probisyon ng Republic Act 8972, lumawak ang mga pribilehiyo at benepisyo sa mga solo parents.     […]

  • Mga weightlifters ng bansa todo handa na para sa Paris Olympics

    MAGPAPAHINGA muna ng bahagya bago sumabak sa ensayo ang mga weightlifter ng bansa na sasabak sa Paris Olympics.     Matapos ang paglalaro nila sa International Weightlifting Federation World Cup sa Phuket, Thailand nina two-time Olympian Elreen Ando at first time na nag-qualify sa Olympics na sina Vanessa Sarno at John Ceniza ay dumating na […]