DepEd sa mga schools: ‘Huwag masyadong dumepende sa printed modules sa distance learning’
- Published on September 16, 2020
- by @peoplesbalita
Umaasa ang Department of Education (DepEd) na hindi masyadong dedepende sa printed modules ang mga paaralan bilang paraan sa paghahatid ng mga lesson sa mga estudyante.
Ayon kay DepEd Sec. Leonor Briones, bagama’t kinikilala nila ang paggamit ng printed na self-learning modules na magagamit ng mga mag-aaral na hindi maka-access sa digital modules o makadalo sa online classes, hindi raw dapat ito ang maging permanenteng sitwasyon.
Paliwanag pa ni Briones, maliban sa mahal ay may negatibo ring epekto sa kalikasan ang paggamit ng mga modules.
“May implikasyon kasi ang dependence sa modular learning dahil baka uubusin natin ‘yong mga puno natin sa kaka-produce [ng learning modules]. ‘Yong demand for paper [is high],” wika ni Briones.
“In the long run… talagang mas expensive ang modular,” dagdag nito.
Dagdag pa ng kalihim, dapat na magkaroon ng hakbang para maipakilala sa mga kabataan ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral upang hindi mapag-iwanan ang mga Pilipinong estudyante.
“Nakakatulong talaga ‘yong mayroon nang exposure at may karanasan ang kabataan natin sa online at saka sa technology,” ani Briones.
Batay sa isinagawang survey ng DepEd, mas nais ng mga magulang ang modular learning bilang distance learning modality na gagamitin ng kanilang mga anak sa pasukan.
-
2 pasaway sa curfew at no facemask, kulong sa shabu
Arestado ang dalawang lalaki matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa curfew at hindi pagsuot ng face mask sa Caloocan city, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Richard Doydoran, 20 at Jerome Reyes, 32, […]
-
DFA, hindi pinaniniwalaan ang paliwanag ng China sa paggamit nila ng laser sa Philippine Coast Guard
WALA umanong rason para maniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG). Ang naturang barko ay nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal. Ayon kay […]
-
Sa kanyang first movie na musical pa: CASSY, aminadong sobrang na-challenge sa mabibigat na eksena
SI Cassy Legaspi na gumanap bilang si Ingrid, na biktima ng sexual harassment ng kanyang male teacher sa ‘Ako Si Ninoy’, ang pelikula ni direk Vince Tañada na mula sa Philstagers Films. Tinanong namin si Cassy kung ano ang masasabi niya na sa maagang stage ng kanyang career at una niyang pelikula ay […]