DepEd sinita ang corrupt allegation ni Pacquiao, sinabing ‘false accusation’
- Published on May 10, 2022
- by @peoplesbalita
PINAGALITAN ng Department of Education (DepEd) si presidential candidate at Senador Manny Pacquiao sa pag-akusa nito sa ahensiya bilang “the most corrupt in government.”
Sa isang kalatas, sinabi ng DepEd na ang di umano’y “wrongdoing unsupported by specific facts” ay katumbas ng false accusation.
Sa isinagawang taped interview para kay KBP-Comelec Pilipinas Forum 2022 na in-ere noong Mayo 6, ginawang halimbawa ni Pacquiao na may isang DepEd official na di umano’y nagde-demand ng illicit payments, subalit tumanggi naman ito na pangalanan.
“As a public servant, the good senator has every right, legally and morally to assail and put to question whatever wrongdoing, any person or instrumentality of the government for that matter in his quest to eradicate graft and corruption in the bureaucracy,” ayon sa DepEd.
Ang departamento, sa kabilang banda, ay nagpahayag na hindi dapat kondenahin ni Pacquiao ang buong ahensiya.
“While there might still be bad eggs within the organization, the leadership of the Department has seen fit to charge these known implicated and remove those found guilty. It is not, therefore, the time to condemn the whole institution,” anito. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Singapore Airlines magbabawas din ng mga empleyado
Magbabawas ng 4,300 na empleyado ang Singapore Airlines dahil sa epekto pa rin ng coronavirus. Ang nasabing bilang ay 20% workforce ng nasabing airline company. Apektado dito ang regional carrier nito na SilkAir at budget airline na Scoot. Sinabi ni Singapore Airlines’ chief executive Goh Choon Phong, na masakit sa loob nila […]
-
‘Matigas talaga ulo ko’: Paalam sure medal winner na sa Olympics kahit na-headbutt
Siguradong makapag-uuwi ng medalya mula sa 2020 Tokyo Olympics ang isa pang Pinoy na atleta — sa pagkakataong ito, sa larangan ulit ng boksing. Natalo kasi ng Pinoy boxer na si Carlo Paalam ang reigning Olympic champion na si Shakhobidin Zoirov (Uzbekistan), dahilan para dumiretso siya sa semifinals sa Huwebes. Dahil dito, bronze […]
-
DILG sa LGUs : Mask rule sa indoor areas, public transport mananatili
NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units na mahigpit pa ring ipatupad ang mask mandate sa mga indoor areas at pampublikong transportasyon. Sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na bahagi ito ng probisyon na nakapaloob sa Executive Order (EO) No. 3 na tinintahan ni Pangulong […]