• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DepEd: Subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2, pinoproseso pa

Siniguro ng Department of Education (DepEd) na ipamamahagi nila ang mga subsidiya sa ilalim ng Bayanihan to Recover As One Act (Bayanihan 2) sa mga mag-aaral sa oras na matapos na ang application process para sa ayuda.

 

 

Paliwanag ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla, nagkaroon ng delay sa application process dahil sa napakalawak na sakop ng mga potential beneficiaries.

 

 

“Medyo natagalan po sa DepEd ang pag-finalize at pag-umpisa ng ating application process for the subsidy kasi mas malaki po iyong aming coverage. Kasama ang public at private [school] learners from kinder to Grade 12,” wika ni Sevilla.

 

 

“Ongoing po iyong aming application process. Wala pa pong nadi-disburse. Gagawin po namin ito as soon as makuha namin ang mga application,” dagdag nito.

 

 

Ani Sevilla, makakakuha ng P5,000 ang mga benepisyaryo mula sa mga pribadong paaralan, habang may P3,000 naman ang mga recipient sa public schools.

 

 

Kamakailan nang hinimok ni Sen. Sherwin Gatchalian ang DepEd na bilisan ang distribusyon ng subsidiya sa ilalim ng Bayanihan 2.

 

 

Nasa P300-milyon ang inilaan para sa basic education subsidies ng naturang relief measure.

Other News
  • MAJA, inaming nasira ang image at career nang makipagrelasyon kay GERALD; tumanggi na makasama sa teleserye

    BINALIKAN ni Maja Salvador ang naging relasyon nila ni Gerald Anderson na umabot ng dalawang taon at aminadong ‘di sinuwerte na alam naman ng lahat na ex-boyfriend ito ni Kim Chiu na bestfriend niya.     Ayon sa IG post ng @kowalerts, nagbigay ng pahayag si Maja tungkol sa kanila ni Gerald, “LOOK: #MajaSalvador explains […]

  • Yu Yu Hakusho’s star Takumi Kitamura leads the fight as Takemichi Hanagaki in ‘Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Destiny’

    Leading another action-packed live adaptation is Takumi Kitamura, who’s playing as the driven Takemichi Hanagaki in Tokyo Revengers 2: Bloody Halloween- Destiny, based on the best-selling manga series by Ken Wakui. After failing to save Hinata Tachibana from her fate, Takemichi travels back in time once more to unravel the mysteries of his violent past. […]

  • Nanawagan sa mga magdiriwang ng Chinese New year na mahigpit na sundin ang mga health protocols

    NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga magdiriwang ng Chinese New Year ngayong darating na February 12.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan naman ng gobyerno ang pagdiriwang ng Chinese New Year subalit kailangan na kaakibat nito ang mariing pagsunod sa mga health protocols tulad ng mask, hugas, iwas upang hindi kumalat ang Covid […]