• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dependent na legal spouse na existing members ng SSS, maaari ng magsumite ng death benefit claims online – SSS

INANUNSYO ng Social Security System (SSS) na maaari ng makapagsumite ng death benefit claims ang mga dependent na legal spouse na existing member ng SSS sa pamamagitan ng online.

 

 

Ayon kay SSS president at CEO Michael Regino, ang pagsama sa death benefit application sa kanilang online services ay bahagi ng digital transformation efforts ng SSS para tiyakin na ang kanilang serbisyo ay maging accessible 24/7.

 

 

Kailangan din ng mga applicants na mag-enroll sa kanilang disbursement accounts sa My.SSS Portal para sa cashless na paglalabas ng kanilang benepisyo para sa mga recipients.

 

 

 

Subalit ayon sa state-run pension funs, tanging ang mga kwalipikadong legal spouses ay dapat hindi re-married, o nasa live-in relationships bago o matapos na masawi ang isang miyembro.

 

 

Maaari namang bisitahin ang official FB at Youtube account ng SSS para sa detalye ng online filing ng Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) death benefit claims.

Other News
  • Ads May 20, 2024

  • Remittance inflows, patuloy na bumababa – BSP

    INIHAYAG  ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang mga remittance inflows mula sa mga Overseas Filipino ay patuloy na bumababa noong Pebrero upang markahan ang pinakamababang antas sa loob ng siyam na buwan.     Ang mga cash remittances o money transfer na ipinadala sa pamamagitan ng mga bangko o pormal na channel ay umabot […]

  • QC Health Dept. nagpaliwanag kaugnay sa ‘leaked slide’; siyudad nananatiling nasa Alert Level 1 sa COVID-19

    NAGPALIWANAG ang pamunuan ng Quezon City Health Department (QCHD) kaugnay sa “leaked slide” na nagpapakitang nasa “yellow status” ang siyudad sa Covid-19.     Kinumpirma ni Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit Chief, Dr. Rolly Cruz, na totoong sa kanila ang kumalat na kopya ng COVID report slide ng lungsod.     Subalit ayon […]