• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Deployment ng China Coast Guard sa WPS, overkill

INILARAWAN ng Philippine Coast Guard (PCG) na “overkill” ang deployment ng China  ng ilang China Coast Guard (CCG) at Chinese maritime militia vessels sa Scarborough Shoal (panatag Shoal) sa panahon ng civilian mission na “Atin Ito”.

 

 

Nasa 10 CCG vessels, 10 Chinese maritime militia ships at isang people’s Liberation Army  (PLA) vessel ang namataan sa bisinidad ng Panatag Shoal ng mga awtoridad ng Pilipinas sa kanilang maritime domain awareness flight, sinabi ni Commodore Jay tarriela PCG spokesperson for the West Philippine Sea.

 

 

Ayon kay Tarriela, ito an ang pinakamalaking bilang na naobserbahan ng PCG simula ng kanilang pagbabantay sa  Panatag Shoal na binanggit na ito ay isang civilian mission lamang na ikinababahala ng China.

 

 

“Most  likely it was an overkill on the part of the Chinese Coast guard to deploy uch large number of China Coast Guard because they themselves believe in their own lies…this is the highest so far in Bajo de Masinloc – 10 China Coast Guard  vessels”.

 

 

Sinabi rin ni tarriela na maging ang deployment ng Chinese ships na lumapas sa 50 nautical miles mula sa Scarborough  Shoal ay “hindi normal”.

 

 

Sa pagitan ng Miyerkules ng gabi at Huwebes, hindi bababa a 2 barko ng Chinese Coast guard na may bow number na 4108 at 4203 ang sumusunod sa BRP Bagacay, na nagbunsod ng mga radio challenges. Ang barko ng PCG ay nag-escort sa “ Atin ‘to!” mission. (Daris Jose)

Other News
  • Matapos hangaan sa binigay ng payo sa isang magulang: MAINE, may mahalaga at nakatatakot na babala sa mga netizens

    NAPAHANGA ni Maine Mendoza ang netizens sa pagbibigay ng payo sa isang magulang na inaasa ang kanilang pag-ahon sa kahirapan sa kanilang 7-anyos na anak.   Ang payo ng ‘Eat Bulaga’ host sa mga magulang, huwag ipasa ang responsibilidad pinansyal at pagbuti ng buhay sa mga anak na menor de edad.   Iba talaga ang […]

  • Canvassing of votes ng Presidente, VP ikinasa ng Senado, Kamara

    NAGPULONG  na ang mga Senador at Kongresista sa isasagawang pagha­handa para sa canvassing ng boto ng Presidente at Bise Presidente na gaganapin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umpisa sa Martes, Mayo 24 hanggang 27.     Sina House Secretary General Llandro Mendoza at mga opisyal ng Senado sa pangunguna ni Senate Secretary Atty. Myra Marie […]

  • Balitang pinaghahandaan na ng GMA ang kanilang serye: JOHN LLOYD, nagbiro na matagal nang naka-stand by para sa project nila ni BEA

    NAKATUTUWA si John Lloyd Cruz nang ma-interview siya sa Chika Minute ng ’24 Oras’ na nanawagan sa dating ka-loveteam na si Bea Alonzo.       “Ang tagal ko na pong naka-stand by Miss Bea.  Waiting lang po ako, anytime po on your cue,” biro pa ni JLC.     Actually, may nagkuwento sa amin na pareho […]