• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DERRICK, ang tapang na sabihin na mahal na mahal niya si ALDEN at never nainggit

SA isang IG live interview ni G3 San Diego ay tinanong si Derrick Monasterio about kung hindi ba ito naiinggit sa kasikatang tinatamasa ni Alden Richards.

 

 

Sagot ni Derrick kahit daw katiting ay hindi siya kakikitaan ng pagka-inggit kay Alden na kasabay niyang nag-start sa showbiz.

 

 

 “I love Alden. Brother ko ‘yun ever since The Road days. Kasama ko si Alden sa L.A. nang mag-premiere ang The Road, hindi pa [ganoon kasikat si] Alden noon, pero nakita ko ang totoong Alden.

 

 

“Hanggang ngayon, gano’n pa rin. Kaya ko siya mahal na mahal and I respect him so much and I love him, he never changed,” pahayag ni Derrick.

 

 

“Kahit kanino niyo itanong, hindi siya nagbago. Mahirap ‘yun kasi ako, minsan parang nai-irritate, pero siya, very generous, nakiki-bonding sa lahat,” dagdag pa niya.

 

 

Sabi naman ng isang writer-friend sa amin, ano ang magiging reaction mo if hingan ng reaction si Alden sa sinabi ni Derrick at ang isagot nito ay “Oo, nagmamahalan kami.”

 

 

Take note ang ibig sabihin dito ay platonic love na nag-e-exist between Alden and Derrick kaya ang sagot naming ay “Eh di masaya.”

 

 

Gusto namin ang tapang ni Derrick sabihin na mahal na mahal niya si Alden. Wala siyang pakialam kung sakaling mabigyan nang ibang kahulugan ang kanyang sinabi.

 

 

Reaction naman ng isang kaibigang director, “Bigyan ng BL ang mga iyan. Now na!”

 

 

Sabi ni writer-friend, “Feeling ko game si Derrick sa BL. Baka si Alden ang mag-inarte if ever such an offer come their way.”

 

 

Sagot namin, “Pwedeng umoo si Alden sa said offer pero baka di pumayag Artist Center.”

 

 

Wala naman daw ipapakitang totnakan, Very ‘Hello Stranger’ ang peg ng BL series na naiisip niya for Alden and Derrick.

 

 

Wala naman daw nagduda sa pagiging lalaki at pagkalalaki nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez when they did My Husband’s Lover. 

 

 

John Lloyd Cruz and Luis Manzano also played a gay couple sa In My Life.

 

 

Alden should be challenged if ever he gets offered a BL series with Derrick.

 

 

Sa tingin ko, pwedeng tanggapin ni Alden na gumawa ng BL series to challenge himself. Ang hindi lang kami sigurado ay kung papayag ang GMA Artist Center na tumanggap siya ng BL series.

 

 

If I were Alden, go for gold kami sa paggawa ng isang BL series. Doing so is another venue to showcase his acting prowess. It’s an acting job that he can sink his teeth into.

 

 

Pwede naman gumawa ng BL series na hindi malaswa ang mga eksena or walang graphic sex scenes na involved.

 

 

Doing a BL is just like accepting an endorsing a liquor brand when Alden’s packaging is wholesome.

 

 

If ever magkakaroon ng BL series sina Alden at Derrick, tiyak na aabangan ito at susuportahan ito ng mga members ng pink community dahil mahal ng mga fairies sina Alden at Derrick.

 

 

But still, the big question is – will Alden take the bait?

 

 

***

 

 

IBINALITA sa isang regional news program na nagkaroon daw ng COVID-19 ang 10 cast and staff members ng isang movie na nagso-shooting sa Baguio.

 

 

Sabi pa sa news program, tumakas daw ang isang actor at bumalik ng Maynila. Iniwan daw ng actor ang mga kasama niya.

 

 

Sa interview kay Baguio City Mayor Magalong, pinangalanan nito ang actor na umalis at sinabing si Arjo Atayde raw ito.

 

 

Hindi namin pinatulan ang balita at hinusgahan ang pag-alis ni Arjo sa location. Siyempre gusto namin ng additional information.

 

 

As we write this column, may natanggap kaming balita na hindi naman daw tumakas si Arjo sa taping.

 

 

Management decision daw na dalhin sa Maynila ang aktor para ito ay maipagamot dahil wala raw available na medical facility sa Baguio City na pwedeng pagdalhan sa actor.

 

 

Dasal namin ang maagang paggaling ni Arjo.

(RICKY CALDERON)

Other News
  • PBBM, pinagtibay ang ugnayan sa Estados Unidos, itinaon sa pagdiriwang ng Philippine-American friendship day

    PINAGTIBAY ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos kasabay ng pagdiriwang Amerika ng kanilang Independence Day.     Nagkataon naman ito sa Philippine-American Friendship Day.     Sa isang tweet, inilarawan ng Pangulo ang Philippines-US relations bilang  “deep connection… built on the foundation of trust and collaboration.”     “As […]

  • HODGE, MERALCO POKUS SA DEPENSA Takbo ng best-of-7 Finals series:

    Game 1 noong April 6 sa Smart Araneta Coliseum: Meralco 104, Barangay Ginebra San Miguel 91 Game 2 nu’ng Apr. 8 sa SM Mall of Asia: Barangay Ginebra San Miguel 99, Meralco 93 Game 3 nitong Linggo sa MOA Arena: Meralco 83, Barangay Ginebra San Miguel 74     Game 4 ngayong Miyerkoles (Smart Araneta […]

  • Pinas, kinokonsidera ang FTA kasama ang US sa cyberspace, digital tech; trade deal sa Japan

    KINOKONSIDERA ng Pilipinas na magkaroon ng bilateral free trade agreement (FTA) kasama ang United States (US) ukol sa cyberspace at digital technology. Sa isang panayam sa Washington DC, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez na ang plano ng Pilipinas na magkaroon ng FTA kasama ang Estados Unidos sa dalawang larangan ay […]