DERRICK, first time nagpa-Pasko at magba-Bagong Taon sa Amerika kasabay ng pag-attend sa kasal ng ina
- Published on November 17, 2021
- by @peoplesbalita
HALOS lahat na ng ka-batch ni Lexi Gonzales sa StarStruck 7 ay nagkaroon na ng regular na teleserye.
Naghihintay na lang daw si Lexi sa pag-resume ng lock-in taping ng Love You Stranger sa January 2022.
“Akala kasi nila ayokong mag-lock-in taping. Hindi po totoo ‘yon. May teleserye na sana kami ni Kim de Leon ‘yung ‘Love You Stranger’ kunsaan bida sina Gabbi Garcia and Khalil Ramos. Kaso inabutan ‘yung taping nila ng lockdown kaya sa January 2022 na raw itutuloy.
“Hindi pa naman kami nakukunan ng eksena ni Kim. Pero pinagdarasal ko na matuloy na next year para ma-experience ko naman yung mahabaang lock-in taping,” sey ni Lexi.
Sa ngayon ay suki na si Lexi sa paglabas sa ibang shows tulad ng Wish Ko Lang, Tadhana, Magpakailanman, My Fantastic Pag-ibig at Dear Uge.
Nagkaroon naman siya ng time para ma-record ang unang single niya under GMA Playlist titled “Something in the Rain”.
Wish din ni Lexi na bumalik na next year ang show nila nina Mavy Legaspi, Althea Ablan at Joaquin Domagoso na FLEX. Nagkaroon ito ng season break dahil may kanya-kanyang lock-in tapings ang mga kasama sa show.
“Wish ko po talaga na next year mabuo na ulit ang FLEX. Lahat po kasi naging busy sa mga teleserye nila except for me.
“Nakaka-miss po ang kulitan namin sa FLEX. Yun po ang show na walang pressure sa amin. Kaya sana po, bumalik na ang FLEX.”
***
WALA sa Pilipinas si Derrick Monasterio pagdating ng Pasko dahil sa Amerika ito magki-Christmas break at sabay na rin sa pag-attend sa kasal ng kanyang inang si Tina Monasterio.
Inamin ni Derrick na ginulat sila ng kanyang Mommy Tina nang ibalita nito na engaged na siya. Pinadala pa raw nito ang photo ng kanyang engagement ring
“Actually nagulat din ako eh. Happy ako kasi nagbago talaga ‘yung mood ng mom ko. Like sa bahay kung paano siya sa amin, wow! As in, basta, iba ‘yung mood niya. Mas mukha siyang bumata. Doon mo masasabi kapag in-love, kapag fresh ka, kapag blooming ka palagi, in love ka. Matic ‘yun.
“Ang weird, kasi nag-send na lang siya ng picture na suot na niya ‘yung engagement ring. Walang paalam-paalam. So parang ‘Woah!’ Akala ko nga pina-prank ako eh … Pero hindi, totoo eh.
“At may date na rin siya so, mukhang naka-set na talaga. I’ll post naman soon kapag nangyari, sa social media. So malalaman din naman nila,” sey ni Derrick.
Sa US raw pinili ni Tina na ikasal dahil wala raw masyadong restrictions doon.
Since nandoon na rin daw si Derrick, itutuloy na raw niya hanggang Christmas at New Year sa Amerika. Gusto raw niyang maka-experience ng White Christmas. Tapos naman na raw siya sa mga lock-in tapings kaya hindi siya magmamadaling umuwi ng Pilipinas.
Si Tina Monasterio ay naging paboritong leading lady ng maraming aktor noong ’70s, kabilang na rito sina Fernando Poe Jr., Dolphy, Lito Lapid, Rudy Fernandez, Chiquito, Rey Malonzo, Ace Vergel at Bembol Roco.
***
MARRIED na ang Hollywood socialite and reality star na si Paris Hilton noong nakaraang November 11 sa kanyang fiance na si Carter Reum.
Naganap ang kanilang wedding sa Bel-Air estate ng kanyang grandfather na si Barron Hilton sa Beverly Hills, California. Mapapanood ang wedding nila sa bagong docuseries ng Peacock TV titled Paris in Love.
Pinili raw nila ang 11.11 date dahil sa paniniwala na “new beginning” ito para sa kanila.
Bago nagsimula ang wedding, nag-tweet muna si Paris: “The day we’ve ALL been waiting for is finally here! Join me along my incredible wedding journey on #ParisinLove, streaming NOW on @PeacockTV.”
Three-day affair ang naturang wedding kaya marami ang nangyari bago nag-exchange “I do” sina Paris at Carter. Ilan sa mga naging A-list visitors ay sina Paula Abdul, Emma Roberts and reality star Kyle Richards.
Sey ng Carter: “It’s definitely going to be your fairy-tale wedding. I can’t imagine how gorgeous you’re gonna look in that wedding dress. Just thinking of that moment when Reverend Clint is going to say, ‘Now I pronounce you husband and wife.’ That first kiss and that first hug… the electric bolts that are going to shoot between us. I’m going to remember all the moments, the first time you kissed me at Thanksgiving.”
Nag-propose si Carter noong February 2021 sa 40th birthday ni Paris. Ang napiling wedding dress ni Paris ay gawa ni Oscar De La Renta. Isa itong high-necked, long-sleeved lace gown, paired with a simple tulle veil and diamond earrings.
(RUEL J. MENDOZA)
-
PBBM, itutulak ang mas maraming buwis, military pension reform
UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang mga priority legislations kabilang na ang tax measures at ang reporma sa military pension. Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, nanawagan ang Pangulo sa mga mambabatas na isulong ang tax measures sa ilalim ng Medium-Term […]
-
ABS-CBN, humingi ng tawad kay Duterte sa ‘di pag-ere ng ilang 2016 poll ads nito
Humingi ng tawad sa Senate hearing si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak kung sumama ang loob ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-ere ng network ng isang kontrobersiyal na political advertisement noong 2016. “We are sorry if we offended the president. That was not the intention of the network. We felt that […]
-
Walang trabaho sa bansa lumobo sa 2.15 milyon
LALONG tumaas ang unemployment rate ng bansa patungong 4.5% kasabay ng pagtindi ng underemployment rate sa 13.9% nitong Enero, ayon sa pinakabagong datos ng gobyerno. Mas mataas na kawalang trabaho at underemployment ito kumpara noong Disyembre, na siyang nasa 3.1% at 11.9% bago magtapos ang 2023. “In terms of […]