Derrick Pumaren out na sa De La Salle University Green Archers
- Published on December 29, 2022
- by @peoplesbalita
ISANG panibagong head coach ang nakatakdang magtimon sa grupo nina Evan Nelle, Mark Nonoy, Mike at Ben Philipps, Cyrus Austria at buong De La Salle University Green Archers men’s basketball team sa 86th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) tournament kasunod ng anunsyong hindi pagre-renew sa kontrata ni coach Derrick Pumaren ngayong taon.
Naging masalimuot ang sana ay malinaw na yugto ng Green Archers sa 85th season na punong-puno ng potensyal sa pagkakaroon ng malalim na roster na kinabibilangan rin nina Rookie of the Year Kevin Quiambao at one-and-done offensive guard na si Deschon Winston, subalit nauwi sa masaklap na paglagapak sa playoff berth kontra Adamson University Soaring Falcons upang magtapos sa ikalimang pwesto sa pagtatapos ng liga.
Ayon sa report ay napagdesisyunan ng mga opisyales ng koponan na hindi na palalawigin pa ang kontrata ng two-time UAAP at PBA champion coach sa pagtatapos nito sa Disyembre 31.
Minsan nang binitbit ni Pumaren ang DLSU sa kampeonato noong 1980 hanggang 1990 (Season 52 at 53) kontra Far Eastern University Tamaraws at University of the East Red Warriors sa pangunguna nina Jun Limpot at Johnedel Cardel.
Isa sa mga paborito ang DLSU Green Archers sa mga malalakas na koponan kabilang ang kampeong Ateneo Blue Eagles at University of the Philippines Fighting Maroons pagpasok ng season kasunod na rin ng matagumpay na kampanya sa FilOil EcoOil Preseason Cup at PBA D-League. (CARD)
-
15 countries pasok na sa 2022 World Cup sa Qatar, 17 spots pa ang pinag-aagawan
NASA 17 spots na lamang ang natitira para makompleto na ang 32 mga bansa na pwedeng lumahok sa prestihiyosong 2022 World Cup na gaganapin sa Nobyembre hanggang Disyembre sa Qatar. Ito ay makaraang umabot na sa 15 mga national teams ang nag-qualify kabilang na ang host qatar. Narito ang mga bansang […]
-
Pasok suspendido sa gov’t offices, eskwela sa NCR, 6 lalawigan dahil kay ‘Florita’
SUSPENDIDO na ang pasok sa lahat ng pampublikong paaralan at tanggapan ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) at anim pang probinsya mula ngayon hanggang ika-24 ng Agosto dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm “Florita” at Habagat. Nag-ugat ito sa mungkahi ng National National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kay […]
-
NORA, masayang-masaya dahil sinorpresa ng mga anak at mga apo maliban kay LOTLOT
EXCITED na ang mga fans ni Jo Berry sa muli niyang pagbabalik, sa pamamagitan ng bagong GMA Afternoon Prime series na Little Princess. Muli, title-roler si Jo, tulad ng una niyang serye sa Kapuso Network na Onanay na naging anak niya sina Mikee Quintos at Kate Valdez. Dalawa ang naging leading […]