• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desidido sa pagka-VP

Itinanggi ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga espekulasyon na magkakaroon ng “substitution” para bigyang daan ang kandidatura ng isang inbdibiduwal sa pagsasabing desidido siyang ituloy ang pagtakbo niyang bise-presidente ng bansa sa darating na 2022 elections.

 

 

“I can’t speak for the other candidates. Hindi po ako makapagsalita kung ano po ang magiging desisyon ng partido… As far as I am concerned, sa aking tinakbuhang posisyon, desidido na po ako,” sabi ni Go matapos siyang makapanayam sa pagbubukas ng ika-143rd Malasakit Center sa Doña Maria D. Tan Memorial Hospital sa Tangub City, Misamis Occidental noong Martes.

 

 

“Desisyon po ‘yan ng partido at ni Pangulong Duterte since he withdrew, hindi na siya tumuloy bilang kandidato as vice president. Kaya ako po ‘yung pinatakbo ng partido at ni Pangulong Duterte dahil kailangan po namin na meron tayong timon na magdadala at magpapatuloy ng mga adhikain ng PDP at ng administrasyong ito,” idinagdag ni Go.

 

 

Sinabi ni Go na naghahanda na ang ruling party, PDP-Laban para sa halalan at kinakailangang may titindig para sa partido at administrasyon na maipagpatuloy ang mga programa o positibong nasimulan ni Pangulong Duterte.

 

 

Anang senador, determinado siyang ipagpatuloy ang Duterte legacy, at sa pagtulong sa bansa na makabangon sa pandemya upang mabigyan ng maginhawang buhay ang Filipino, partikular ang mga vulnerable at ang mga nawawalan ng pag-asa.

 

 

Sa kabila ng umaapaw na suporta sa kanyang kandidatura, sinabi ni Go na hindi siya magpapakampante sa kanyang tsansa sa halalan.

 

 

Aniya, sa huli ay ang taongbayan pa rin ang masusunod kung sino ang nais nilang ihalal. (Daris Jose)

Other News
  • Mexican pinatulog ni Magsayo sa 10th round

    Nagpasiklab din si Pinoy champion Mark Magsayo nang angkinin nito ang matikas na 10th round knockout win kay Mexican fighter Julio Ceja kahapon sa T-Mobile Arena sa Las Vegas, Nevada.     Inilatag ni Magsayo ang solidong right shot na kumunekta sa panga ni Ceja para matamis na makuha ang knockout win.     “Tumutok […]

  • Gobyerno, muling ininspeksyon ang Malampaya gas-to-water project

    ININSPEKSYON ng mga opisyal ng gobyerno ang Malampaya deep water gas-to-power project sa offshore Palawan upang matiyak ang pagpapatuloy ng mga operasyon sa gitna ng inaasahang kakulangan ng suplay ng kuryente.     Sinabi ni Enrique Razon na pinangunahan ng Prime Infrastructure Capital Inc. (Prime Infra) na ang mga opisyal mula sa Department of Energy […]

  • VP Leni, misinformed sa nangyaring gulo sa pagitan ng magsasaka at pulisya

    PINABULAANAN ni Department of Agrarian Reform (DAR) Acting Sec. Bernie Cruz, ang naging pahayag ni VP Leni Robrero patungkol sa pang-aaresto ng pulisya sa umano’y mga magsasaka sa Hacienda Tinang sa Tarlac City.     Ito ay matapos sirain at guluhin ng higit 90 magsasaka ang mga tanim ng mga co-owners ng Collective Certificates of […]