• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desisyon ni Marcos na laktawan ang presidential debates, tama- PDU30

TAMA lang ang ginawang desisyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  na  mag-skip o laktawan ang  presidential debates  sa panahon ng campaign period.

 

 

Iyon ay dahil na rin sa limited time para idepensa ang kanilang sagot.

 

 

“During the campaign, we had a limited time to talk, and the next time that you are a candidate, you are invited to do that… Tama si Marcos, decline,” ayon kay Pangulong Duterte sa isang talumpati  sa isinagawang  oath-taking ng mga local officials sa kanyang hometown sa Davao City.

 

 

Tanging ang mga nagmamay-ari  aniya ng  TV stations  ang nakinabang sa mga debate dahil sila naman ang kumikita ng pera para sa “airing  ng debate.”

 

 

“We were only given half a minute or one minute and that’s it. You cannot even talk further… It was for show. It earns money for them at your expense sometimes,” dagdag na  pahayag nito.

 

 

Sa buong campaign period, mas pinili ni Marcos na hwuag dumalo sa  kahit na anumang presidential debates na inorganisa ng  Commission on Elections (Comelec) at mga  major TV stations dahil sa kanyang  busy schedule.

 

 

Gayunman, dumalo  naman si Marcos sa presidential debate na inorganisa ni Pastor Apollo Quiboloy ng  Sonshine Media Network International (SMNI). (Daris Jose)

Other News
  • Practice facilities ng Nuggets, isinara matapos dapuan ng COVID-19 ang 3 miyembro ng traveling party

    Isinara muna ng Denver Nuggets ang kanilang mga pasilidad matapos na magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang tatlong kasapi ng traveling party ng koponan.   Sa anunsyo ng team, asymptomatic o wala naman daw sintomas ng deadly virus ang tatlo.   Binubuo ng 35 na miyembro ang traveling party ng Nuggets, na kinabibilangan ng […]

  • Dahil ibibigay na ang noontime slot sa TVJ: ‘It’s Showtime’ nina VICE GANDA, ‘di na ire-renew ng TV5

    NALUNGKOT ang mga viewers ng “It’s Showtime” nang malaman nilang wala na palang balak ang TV5 na i-renew ang show sa kanilang noontime slot matapos magwagi ang bagong bihis na “Eat Bulaga” against them.     Sa interview kay Manny V. Pangilinan, TV5 owner, desidido umano ang kanilang pamunuan na ibigay na ang noontime timeslot […]

  • Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, walang ‘input’ sa gov’t appointments- PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  na walang ‘input’ ang kanyang asawa na si Unang Ginang Louise “Liza” Araneta-Marcos sa mga appointments  na kanyang ginagawa sa ilalim ng kanyang administrasyon. Tinanong kasi ang Pangulo kung may ‘kamay’ din ba ang Unang Ginang sa kanyang mga napipili bilang miyembro ng kanyang  official family. “Zero, she really […]