• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Desisyon ni PBBM sa pagtaas ng 5% sa PhilHealth premium, ‘very soon’

VERY SOON!

 

 

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang tanungin kung kailan siya magdedesisyon ukol sa pagpapatupad ng Philippine Health Insurance Corp.’s (PhilHealth) 5-percent premium rate increase.

 

 

“It’s still under study but we’ll come to a conclusion very very soon,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview bago lumipad patungong Canberra, Australia para sa kanyang official visit doon.

 

 

Tinanong kasi ang Pangulo kung pabor siya na itaas ang kontribusyon sa PhilHealth.

 

 

Ani Pangulong Marcos, sinusuri niyang mabuti ang posibleng benepisyo ng premium hike, sabay sabing maaari niyang suportahan ito kung ito’y makatuwiran.

 

 

“It’s really a cost benefit analysis and PhilHealth has been expanding its services and trying to reach more people and trying to engage more people,” ayon sa Chief Executive.

 

 

“So, kung meron benepisyo naman , then, if we can justify the increase, then we’ll do it. But if we cannot, then we won’t. Ganun lang ka simple ‘yun It’s just a very straightforward cost benefit analysis,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Sa ulat, nangako ang PhilHealth na ayusin nito ang kanilang serbisyo at benefit package ng mga pasyente.

 

 

Nito lamang Pebrero 23, sinabi ni PhilHealth president at chief executive officer Emmanuel Ledesma Jr. na ang Office of the President “pose[s] no objection” sa 5-percent premium rate increase na ipinatupad nitong Enero ng taong kasalukuyan.

 

 

Iyon ng lamang, sinabi ng Malakanyang na ang PhilHealth’s contribution hike ay “still ongoing” upang masiguro na ang anumang pagtaas ay magiging kapaki-pakinabang sa mga miyembro nito.

 

 

Ang Republic Act 11223 o Universal Health Care Law ay may mandato na itaas ang PhilHealth contribution rate ng 0.5% kada taon simula 2021 hanggang umabot ito ng 5% mula 2024 hanggang 2025.

 

 

Matatandaang, sinuspinde ng Pangulo ang pagtaas sa premium rate at ‘incoming ceiling’ para sa calendar year 2023. (Daris Jose)

Other News
  • “Critical collaboration”, mahalaga sa Simbahan at estado

    Iginiit ng opisyal ng Radio Veritas 846 at Caritas Manila na mahalagang magtulungan ang pamahalaan at simbahan sa kabila ng pag-iral ng ‘separation of church and state’ sa Saligang Batas.   Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nararapat lamang na […]

  • PDu30, pinasalamatan si President Putin para sa 15k doses ng SputnikV

    PINASALAMATAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Russian President Vladimir Putin para sa delivery o paghahatid ng inisyal na 15,000 doses ng Sputnik V Covid-19 vaccines sa Pilipinas.   “With the added shipments arriving from Russia, let me thank the Russian people, the government and President Putin for their kind-hearted support for the Filipinos,” ayon […]

  • ‘3-way race’ sa presidency, malabo na – analyst

    HINDI NA umano posibleng mangyari na magkaroon ng tatlong nangungunang magla­laban sa “presidential race” may dalawang linggo bago ang halalan, ayon sa analyst na si Dindo Manhit ng Stratbase ADR Institute research firm.     Sinabi ni Manhit na nakitaan ng pagbaba ng kanilang numero ang ibang mga kandidato mula noon pang Pebrero kaya hindi […]