• June 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Detention ng foreign nationals na magte-trespass sa WPS, inconsistent sa UNCLOS -DFA

ITINUTURING ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na ‘inconsistent’ sa United Nation Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) ang regulasyon ng Tsina na nagbibigay kapangyarihan sa coast guard nito (Tsina) para i- detain ang sinumang foreign nationals na magte-trespass sa West Philippine Sea (WPS).
Sa isang panayam, tinanong kasi si Manalo kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi ng Tsina na ang Pilipinas ay mayroong malisyosong interpretation sa bagong regulasyon ng Tsina sa rehiyon.
”Why would… they announced it, it was quite clear so, I mean, what’s malicious to it…” ayon kay Manalo.
”We have to see what will happen but obviously whatever they said, if that’s correct, is inconsistent with UNCLOS,” ang sinabi pa ni Manalo.
Hindi naman nagdagdag pa ng kahit na anong detalye si Manalo sa usaping ito.
Nauna rito, mariing kinondena ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ‘detainment order.’ Para sa Pangulo ang nasabing aksyon o hakbang ay “would be completely unacceptable to the Philippines.”
Para naman kay dating Senate president Juan Miguel Zubiri, ilegal sa ilalim ng UNCLOS ang bagong regulasyon ng Tsina para sa I-detain ang sinumang foreign nationals dahil sa trespassing sa rehiyon.
Sinabi ni Zubiri na ang “UNCLOS provides for free and open access to all ships passing through South China Sea, which includes areas that fall under the Philippine Exclusive Economic Zone.”
Samantala, sinabi ng Beijing na ang kontrobersiyal na regulasyon nito, magiging epektibo sa Hunyo, ay nagbibigay kapangyarihan sa China Coast Guard na maaaring mag-detain ng mga trespassers ng mahigit sa 60 araw. (Daris Jose)
Other News
  • Ads November 11, 2021

  • PBBM, sesertipikahan bilang ‘urgent’ ang rice tariffication law

    SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes na sesertipikahan niya bilang ‘urgent’ ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 11203 o ang rice tariffication law (RTL) para mas maibaba ang presyo ng bigas sa bansa.     “Yes, I think it justifies the urgent certification,” ang pahayag ng Pangulo sa isang media […]

  • CBCP naglunsad ng adbokasiya para sa pananalig, pagkakaisa vs COVID-19 pandemic

    Hinikayat ng mga lider ng simbahan ang mga Pilipino na kumapit sa kanilang pananampalataya ngayong coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Sa ulat, inilunsad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang bagong national campaign na “Yakapin ang Bagong Bukas (Embrace the New Tomorrow).” Ito ay ang malawakang isang minutong pagkakampana sa buong bansa sa ganap […]