Devanadera, Pantone tigil na sa paghambalos
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
ISINABIT na Sina PLDT Home Fibr veterans Lizlee Ann ‘Tatan’ Gata-Pantone at Sasa Devanadera ang kanilang mga playing jersey bilang mga volleybelle.
Kinumpirma ito nitong isang araw ng kanilang coach na si Rogelio ‘Roger’ Gorayeb at ng Power Hitters sa mga Facebook post.
“Our #PowerHitters Tatan Gata-Pantone and Sasa Devanadera are now signing off!” bulalas ng team sa FB. “Thank you, Tatan and Sasa! We wish you good luck on to the next chapter of your lives.”
Naglaro sa 8th Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix 2020 noong Marso ang dalawang balibolista bago napurnada ang torneo dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic na nagpatigil sa lahat ng sports event sa mundo.
Kapwa maraming mga kampeonato’t parangal na inani na rin ang dalawang beteranang balibolista sa panahon pa nila sa Shakey’s V-League. (REC)
-
“To the most beautiful soul in the world”: Birthday message ni ENRIQUE kay LIZA, punum-puno ng pagmamahal
BUKOD sa napakadalang mag-post, matagal na rin na hindi halos nagpo-post sina Enrique Gil at Liza Soberano ng picture na magkasama sila. Lalo na si Enrique, madalang na lang itong mag-post. Si Liza ay nasa America, pursuing her Hollywood dreams. Habang si Enrique naman ay nasa bansa. At may mga bali-balita […]
-
Base sa mga photos na pinost sa Instagram: CARLO at CHARLIE, pinagdududahang may relasyon kaya todo-react ang mga netizens
PINAGDUDUDAHAN ng mga netizens kung mayroon na ba o namumuo pa lang relasyon sina award-winning actress Charlie Dizon at award-winning actor na si Carlo Aquino? Ang Kapamilya actress mismo ang nag-upload ng photos na kung saan katabi niya si Carlo na kapansin-pansin na nakahawak pa sa kanyang hita. Habang nasa balikat naman ng […]
-
Watanabe, Knott pasok sa Tokyo Olympics
Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8. Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod. […]