• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Devanadera, Pantone tigil na sa paghambalos

ISINABIT na Sina PLDT Home Fibr veterans Lizlee Ann ‘Tatan’ Gata-Pantone at Sasa Devanadera ang kanilang mga playing jersey bilang mga volleybelle.

 

Kinumpirma ito nitong isang araw  ng kanilang coach na si Rogelio ‘Roger’ Gorayeb at ng Power Hitters sa mga Facebook post.

 

“Our #PowerHitters Tatan Gata-Pantone and Sasa Devanadera are now signing off!” bulalas ng team sa FB. “Thank you, Tatan and Sasa! We wish you good luck on to the next chapter of your lives.”

 

Naglaro sa 8th Philippine SuperLiga (PSL) Grand Prix 2020 noong Marso ang dalawang balibolista bago  napurnada ang torneo dahil sa Coronavirus Disease 2019 pandemic na nagpatigil sa lahat ng sports event sa mundo.

 

Kapwa maraming mga kampeonato’t parangal na inani na rin ang dalawang beteranang balibolista sa panahon pa nila sa Shakey’s V-League. (REC)

Other News
  • Inisa-isa ang magiging bahagi ng anniversary concert: ICE, nagpasalamat at binalikan ang mga alaala kina MARTIN at GARY

    SUNOD-SUNOD ang Facebook at Instagram post ni Ice Seguerra para sa mga special guest niya sa ‘Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert’ na magaganap ngayong October 15 (Saturday, 8 pm) sa The Theater at Solaire.     Para sa singer-songwriter at direktor na rin, dream come true nga na makasama ang dalawang OPM icons na […]

  • Disbarment vs Duterte inilarga sa SC

    SINAMPAHAN ng disbarment complaint ng mga pamilya ng extrajudicial killings (EJKs) victims at human rights advocates sa bansa, si dating Pang. Rodrigo Duterte sa Korte Suprema. Tumanggi naman si Karapatan Secretary General Cristina Palabay na isapubliko ang nilalaman ng kanilang reklamo dahil sa sub-judice rule. Gayunman, iginiit ni Palabay na hindi karapat-dapat na maging abo­gado si […]

  • PBBM, aprubado ang national innovation agenda

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr., chairman  National Innovation Council (NIC), ang  National Innovation Agenda and Strategy Document (NIASD) 2023-2032.     Sa isang kalatas, sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na NIASD 2023-2032 ang babalangkas sa plano ng bansa para pagbutihin ang innovation governance at  ang pagtatatag ng  dynamic innovation ecosystem.     Ang […]