DFA binulabog ng bomb threat
- Published on September 20, 2024
- by @peoplesbalita
NAUWI sa tensyon ang pagbubukas pa lamang ng mga tanggapan sa Department of Foreign Affairs (DFA) nang mabulabog sa natanggap na bomb threat, sa Pasay City, kahapon ng umaga.
Kaniya-kaniyang labasan sa mga opisina ang mga kawani hinggil sa sinasabing nakatanim na bomba sa gusali ng DFA.
Natanggap ang ulat alas-7:00 ng umaga ni Pasay City Police Station, chief P/Col. Samuel Pabonita, na nag-utos sa mga operatiba ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) at Special Weapon and Tactics (SWAT) Team na magtungo sa lugar upang suyurin ang bawa’t sulok ng tanggapan.
Ikinordon ang DFA, habang ang mga kawani at opisyal ay nagtipun-tipon sa 2330 Service Road, Roxas Boulevard.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Leon Victor Rosete, nagmula ang impormasyon hinggil sa bomba na itinanim umano sa DFA building nang mag-email ang mga empleyado ng Philippine Embassy sa Canada. Sa nasabing embahada ipinarating ang impormasyon na ipinabatid lamang sa DFA sa Pilipinas.
Negatibo naman sa anumang bakas ng bomba sa mga tanggapan matapos ang pagsuyod ng EOD at SWAT kaya’t pinabalik ang mga kawani alas-8:00 ng umaga.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.
-
Belle Mariano makes history as the singer of “Anong Daratnan,” the Filipino rendition of “Beyond” from Moana 2
FILIPINO actress and singer Belle Mariano has been revealed as the voice behind “Anong Daratnan”, the Filipino rendition of “Beyond,” the end-credit single for Walt Disney Animation Studios’ highly anticipated sequel, Moana 2. This marks the first time a Filipino song will be featured in a Disney animated film, creating a monumental milestone for […]
-
Pinag-usapan ang success bilang isang theatre actress: LEA, na-feature sa isang article sa The Guardian UK
NA-FEATURE si Lea Salonga sa isang article ng The Guardian kunsaan pinag-usapan ang success niya bilang isang theatre actress sa London’s West End na nagsimula 35 years ago sa pinagbidahan niyang musical na ‘Miss Saigon’ in 1989. Bumalik ang Tony Award-winning Filipino star sa pag-perform sa West End para sa musical tribute […]
-
PNP, magpapatupad ng gun ban sa pangalawang SONA ni PBBM
NAKATAKDANG magpatupad ng gun ban ang Philippine National Police sa pangalawang State of The Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang naturang SONA ng punong ehekutibo ay gaganapin sa House of Representatives sa darating na July 24. Ayon sa Philippine National Police, magsisimula ang implementasyon ng naturang gun ban alas […]