DFA, hindi pinaniniwalaan ang paliwanag ng China sa paggamit nila ng laser sa Philippine Coast Guard
- Published on February 18, 2023
- by @peoplesbalita
WALA umanong rason para maniwala ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa paliwanag ng China na para sa “navigation safety” ang ginawang paggamit ng kanilang coast guard ng laser na itinutok sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ang naturang barko ay nagsasagawa ng resupply mission sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Foreign Affairs spokesperson Tess Daza, sa naturang insidente ay nakaranas umano ng pansamantalang pagkabulag ang ilan sa mga crew ng BRP Malapascua.
Kaya naman ay naghain na ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China matapos iulat ng PCG na tinutukan ng Chinese coast guard ng “military-grade” laser light noong Feb. 6 ang isa nilang barko.
Kinondena rin ng Pilipinas ang ginagawang “shadowing, harassment, dangerous maneuvers and illegal radio challenges” ng mga sasakyang pandagat ng China.
Itinanggi ng China ang alegasyon at sinabing panukat lang sa distansiya sa ibang sasakyang pandagat ang paggamit ng laser ng kanilang barko.
Nagpahayag naman ng pagsuporta sa Pilipinas ang United States, Japan, Canada, Australia, Denmark, Germany at United Kingdom laban sa mga mapanghamong galaw ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
-
Direk PERCI, thankful sa successful run ‘Paano ang Pangako?’ na finale na ngayong Black Saturday
SA Black Saturday na ang finale ng Paano ang Pangako?, ang top-rating teleserye ng The IdeaFirst Company, Cignal at TV 5. May marathon viewing ang finale from 2 pm to 7 pm on Black Saturday kaya yung mga fans ng Paano ang Pangako?, tutok na para malaman ang magiging ending ng successful teleserye […]
-
CATRIONA, patuloy na bina-bash dahil sa malabnaw na pagsuporta kay RABIYA
INALALA nga ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa kanyang Instagram post ang mga photos bilang candidate nang dumating siya sa Bangkok, Thailand kung saan ginanap ang 67th Miss Universe competition. Sa caption ni Queen Cat, “And just like that, it’s @missuniverse season again! I think it’s such an amazing feat that the delegates […]
-
Nakabubuti raw sa mental health niya: KYLINE, mas minabuti na bawasan ang paggamit ng social media
NABAWASAN na raw ni Kyline Alcantara ang paggamit niya ng social media. Inamin ng ‘Shining Inheritance’ star na nagpo-post lang daw siya ng updates pero hindi raw siya nagbabasa ng comments at nagso-scroll sa ibang sites. Mas mabuti na raw yung hindi siya nag-aaksaya ng oras sa pag-check sa […]