DFA, idinepensa ang pag-abstain ng Pinas sa UN resolution na nananawagan ng Israel-Hamas ‘humanitarian truce’
- Published on November 2, 2023
- by @peoplesbalita
NAGPALIWANAG si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kung bakit nag-abstain ang Pilipinas mula sa pagboto sa United Nations General Assembly (UNGA) resolution na nananawagan ng “immediate, durable, and sustained humanitarian truce leading to a cessation of hostilities” sa pagitan ng Israel at militanteng grupong Hamas.
Ang katuwiran ni Manalo, hindi kasama sa panukalang resolusyon ang terrorist attacks noong Oktubre 7.
“There was one issue that was not reflected and that was the mention of the terrorist attacks on October 7 where in our case, four Filipinos were confirmed to have been killed during the attacks,” ayon kay Manalo.
Ang paliwanag pa ni Manalo, kumbinsido kasi ang Pilipinas na mahalaga sa resolusyon na isama ang terrorist acts lalo pa’t may 4 na filipino ang nasawi at dalawa pa ang nananatiling nawawala.
Inamin ni Manalo na ipinagpapalagay na ng pamahalaan na ang dalawang filipino na nawawala ay bihag ng mga Hamas.
Sa kabila ng abstention, sinabi ni Manalo na nananatiling suportado ng Pilipinas ang humanitarian efforts ng United Nations sa Gaza.
“We will continue to support the efforts of the United Nations to put a stop to the suffering in Gaza and to hope that we can open a humanitarian corridor,” ayon kay Manalo.
Aniya pa, ang pag-abstain mula sa pagboto ay hindi nangangahulugan na kontra ito sa resolusyon.
“Please note that abstention does not mean you are against the resolution, we just felt that there was something important to the Philippines that should have been mentioned in,” paliwanag ni Manalo. (Daris Jose)
-
Caloocan, Malabon muling nag-uwi ng Seal of Good Local Governance
MULING nagkamit ng parangal na Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lungsod ng Caloocan at Malabon sa ginanap na awarding ceremony sa Manila Hotel. Ang Caloocan City ay ang pangalawang local government unit na nakatanggap ng walong magkakasunod na SGLG […]
-
JBIC, hangad ang partnership sa energy sector ng Pinas, nagpahayag ng interest sa Maharlika fund
HANGAD ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na makatuwang ang mga kompanya ng Pilipinas pagdating sa energy development . Nagpahayag din ang JBIC ng interest sa newly-passed Maharlika Investment Fund (MIF). Nagpahayag ng interest ang JBIC para sa energy tie-ups sa kompanya ng Pilipinas sa isinagawang courtesy call ni JBIC […]
-
Jordan Card nabenta ng $840,000
Naibenta sa auction ang 1997 Upper Deck Game Jersey Patch Autograph Card ni NBA superstar Michael Jordan sa halagang $840,000. Dahil dito ay ito na ang naging pinakamahal na Jordan card na naibenta. Ang nasabing card ay naglalaman ng bahagi ng jersey ni Jordan na isinuot niya noong 1992 All-Star Game at ito […]