• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DHSUD, sinimulan na ang cash distribution sa mga biktima ng ‘Kristine’ sa Albay

SINIMULAN na ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang pamamahagi ng cash assistance sa mga residente ng lalawigan ng Albay kung saan ang mga tirahan ay totally o partially damaged na resulta ng pananalasa ng bagyong “Kristine” .

 

 

Sa paunang ulat, 60 pamilya mula sa bayan ng Daraga, isa sa pinakatimaan na lugar sa Albay, nakatanggap ng unconditional cash aid sa Ilalim ng DHSUD’s Integrated Disaster Shelter Assistance Program (IDSAP) kung saan P30,000 ay ipinagkaloob sa mga pamilya na ang mga bahay ay totally damaged habang P10,000 naman sa mga bahay na partially damaged.

 

 

Sinabi ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na ang 60 IDSAP beneficiaries ay binubuo ng tatlong pamilya na may totally damaged houses at 57 partially damaged residences.

 

 

Ang mga Ito ay mula sa Barangays Ibaugan, Lacag, Budiao, Busay, Bagumbayan, Kiwalo, San Vicente Pequeño, Ilawod, Malobago, Cullat, Market Site, Pandan– lahat ay sa Daraga.

 

 

“As instructed by the President, we will provide everything within our mandate to assist our affected kababayan—from cash assistance to moratorium of monthly payment for housing loans,” ayon kay Acuzar.

 

 

Sinabi pa nito na ang DHSUD ay handa na, na i-relocate ang mga residente na naninirahan sa danger zones.

 

 

Sinabi naman nj DHSUD Undersecretary for Disaster Response Randy Escolango, na ang DHSUD ay patuloy na nagpo-proseso ng mga aplikasyon para sa IDSAP mula sa ibang apektadong rehiyon.

 

 

Sinabi pa niya na ang lahat ng DHUSD regional offices na apektado ng “Kristine’- ay inatasa na madaliin at pangasiwaan ang pag-proseso ng IDSAP claims. (Daris Jose)

Other News
  • Bilang ng mga nagugutom sa bansa tumaas – SWS

    TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagugutom.     Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na mayroong estimated na 3.1 milyong pamilyang Filipino o 12.2% ang nakaranas ng gutom sa nagdaang tatlong buwan.     Isinagawa ang surver mula Abril 19-27 kung saan mas mataas ito noong Disyembre 2021 na mayroong 11.8 […]

  • Allotment releases sa pondo ng bawat ahensiya ng gobyerno ngayong 2023, mahigit 50%- DBM

    PUMALO na sa  56. 4% na ng kabuuang 2023 national budget ang naipamahagi ng Department of Budget and Management (DBM) sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.     Sa katunayan, “as of January 31” , mula sa 5. 27 triilion pesos na pambansang pondo ay nasa 2. 97 trilyong piso na ang naipamahagi.     […]

  • PBBM: Bantag, nagtayo ng sariling ‘kaharian’ sa Bilibid

    NAGTATAG  ng kanyang sariling ‘kaharian’ o teritoryo ang suspendidong hepe ng Bureau of Corrections na si Gerald Bantag sa loob ng New Bilibid Prison (NBP), ayon kay Pangulong Marcos ilang araw matapos ang pagsasampa ng mga kasong murder laban sa una at sa iba pang mga indibidwal dahil sa pagpatay sa broadcaster na si Percy […]