• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DI-KWALIPIKADO NA KANDIDATO, MAAARING MAPALITAN BAGO HALALAN

MAAARI  umanong palitan ang isang kandidato na madidiskwalipika bago ang halalan.

 

 

Ito ang paglilinaw  Comelec Senior Commissioner Rowena Guanzon, kaugnay sa ginawang pagbasura ng  Comelec Second Division ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa Eleksyon 2022 dahil sa kawalan ng merito.

 

 

Sinabi ni Guanzon sa Facebook live na yung petitioner ayon sa Second Division resolution ay nagkamali sila dahil isa lamang dapat  ‘yung ground  sa cancellation,  na si Marcos ay gumawa ng maling representasyon sa COC kung kaya dapat ikansela ang kanyang COC.

 

 

Isa lamang ang nabasurang petisyon sa mga inihain laban sa kandidatura ni Marcos .

 

 

Mayroon pang nakabinbing disqualification case laban kay Marcos sa Comelec First Division, kung saan miyembro si Guanzon, kasama sina Commissioners Marlon Casquejo at Aimee Ferolino-Ampoloquio.

 

 

Nilinaw ni  Guanzon, na ang cancellation case ay iba sa disqualification case.

 

 

Ayon kay Guanzon, sa disqualification case,  ang nadiskuwalipikang kandidato ay maaari umanong palitan pero kailangan ay kapartido o kaapelyido.

 

 

“Anong resulta kapag nakansela ang COC? Ibig sabihin sa simula pa lang dapat invalid or void ang kanyang COC, ibig sabihin parang wala siyang na-file na COC. Ang ibig sabihin po ng cancellation ang resulta po niyan hindi po siya puwedeng makapag-substitute,” paliwanag ni Guanzon.

 

 

“Ano po ang kaibahan niyan sa doon po sa disqualification na hawak namin? Ang resulta po ‘pag siya ay na-disqualified ay puwede siyang mag-substitute basta kapartido niya at magkapareho ng apelyido. Hindi po kailangang magkamag-anak sila basta magkaapilyedo po sila at pareho sila ng political party,” sabi pa nito .

 

 

Ang pagpapalit din aniya ng nadiskuwalipikang kandidato ay maaring gawin  “before noon of Election Day.”

 

 

Dagdag pa nito, maaring iapela sa Comelec En Banc at Korte Suprema ang desisyon ng Comelec Division .

 

 

Aniya ang SC  ang  siyang may huling desisyon sa tinatalakay na petisyon.

 

 

“Puwede pa pong umapela ang mga natalo sa aming Commission En Banc. Mula po sa Commission En Banc ang partido na hindi sang-ayon sa aming desisyon ay maaring umakyat po sa Korte Suprema doon po talaga ang final na desisyon sa mga issue na ito,” pahayag pa ni Guanzon. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Ads November 29, 2021

  • 13th month sa government contractual workers, inihirit sa Senado

    ISINULONG sa Senado ang panukalang bigyan ng 13th month pay ang mga contractual workers ng gobyerno.     Sa Senate Bill 1621 na inihain ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sinabi nito na nararapat ding makatanggap ng 13th month pay kahit mga contractuals at job orders sa gobyerno.     “Nalalapit na ang Pasko pero […]

  • Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nagpahiwatig ng posibilidad na pagreretiro pagkatapos ng 2024 Olympics

    NAGPAHIWATIG  ngayon ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz-Naranjo ng posible nitong pagreretiro na sa weightlifting pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.     Sa kanyang Facebook post, ipinost ni Diaz ang larawan ng kanyang mga kamay kalakip ang isang sulat sa kanyang sport.     Aniya, naghahanda araw raw […]