• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di lang eeksena bilang host ng ‘The 6th EDDYS’: PIOLO, gagawaran din ng Isah V. Red Award kasama sina HERBERT at COCO

SIGURADONG mas lalong magniningning ang Gabi ng Parangal para sa gaganaping 6th Entertainment Editors’ Choice o The EDDYS ngayong 2023. Dahil ang award-winning actor at tinaguriang Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual ang magsisilbing host sa ika-anim na edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Hindi ito ang unang pagkakataon na magiging bahagi ng The EDDYS si Piolo dahil noong 2019, ang Kapamilya actor-TV host ang tumanggap ng Rising Producer Circle Award para sa Spring Films.

 

 

Ngayong taon, kabilang rin siya sa mga gagawaran ng Isah V. Red Award kasama sina Herbert Bautista at Coco Martin bilang pagkilala sa walang sawa nilang pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan. Bukod dito, walong haligi ng entertainment industry ang bibigyan ng espesyal na pagkilala ng SPEEd para sa EDDYS Icons para sa hindi matatawarang kontribusyon nila sa industriya ng pelikulang Pilipino. Ang mga EDDYS Icon honorees sa taong ito ay sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Gabby Concepcion, Niño Muhlach, Snooky Serna, Jaclyn Jose, Barbara Perez at Nova Villa. Igagawad naman sa The 6th EDDYS ang Joe Quirino Award sa veteran entertainment columnist, dating TV host at content creator na rin ngayon na si Aster Amoyo. Ang beteranong manunulat naman at dati ring entertainment editor na si Ed de Leon ang tatanggap ng Manny Pichel Award. Producer of the Year naman ang Viva Films habang ang Rising Producer of the Year ay igagawad sa MavX Productions. Magaganap ang 6th Entertainment Editors’ Choice sa Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City, mula sa direksyon ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon. Ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tessie Celestino-Howard ang ika-anim na edisyon ng The EDDYS. Magkakaroon din ito ng delayed telecast sa NET 25 sa Oktubre 28. Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema. Mamimigay ng 14 acting at technical awards para sa The 6th EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022. Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng “People’s Journal”. Ayon kay Asis, asahan ang mas kapana-panabik at mas matinding labanan ng mga natatangi at de-kalidad na pelikula ngayong taon. Ang pagbibigay-parangal ng SPEEd ay isang paraan din para hikayatin, lalong pataasin ang morale at patuloy na magbigay-inspirasyon sa Filipino filmmakers, producers, writers, actors at iba pang kasama sa pagbuo ng isang matino at dekalibreng pelikula.

 

***

 

NAG-TRENDING na naman si MTRCB Chair Lala Sotto dahil sa ‘Gimme 5’ segment ng “E.A.T.” last Saturday, September 23, 2023.

 

Sa naturang segment, tinanong ang contestant ng mga bagay na sinasabit sa leeg at isa lang nasagot nito, ang ‘necklace’.

 

Sa pagtatapos ng 45 seconds, humirit si Joey de Leon ng, “lubid, lubid. Nakakalimutan n’yo.”

 

Bagay na ikinalarma ng mga netizen at mababasa sa twitter account ng @AltStarMagic…

 

“This is a trigger warning clip about suicide and Joey De Leon can’t shut his mouth. “Really? Mga bagay na sinasabit sa leeg ay lubid? REALLY JOEY DE LEON???? LALA SOTTO ANO NA????”

 

Komento naman ni @DocHappy95, “Hindi ito biro! Anuna, Lala Sotto?”

 

Kaya naman naglabas ng statement ang MTRCB para suriin ang mga reklamo ng netizens tungkol sa naging pahayag ni Joey sa ‘E.A.T.’:

 

“Taking cognizance of the complaints from the viewing public in relation to E.A.T. Gimme 5 segment aired last 23 September 2023, the Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) shall determine if the same are valid and presumably violative of Presidential Decree No. 1986 and/or its Implementing Rules and Regulations.”
Aabangan kung ano ang magiging hatol ng MTRCB sa bagong isyu na haharapin ng noontime show ng TV5.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • P1B APRUBADO NA BILANG DAGDAG BUDGET NG PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY

    APRUBADO na at kasama na sa National Expenditure Program for 2024 ang P1 bilyon para sa revitalization ng coconut industry.       Sinabi ni PCA Administrator Bernie Cruz nitong Martes (Agosto 29), out of their request for P11-billion additional budget, only P1B billion was included in the NEP for 2024. Dagdag ni Cruz, mismong […]

  • Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio

    Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras siya sa hamon niyang debate laban kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio.     Sinabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes, nakalimutan niya na isa siyang presidente ng bansa.     Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang […]

  • DOJ at PNP, magkasamang binigyan ng update ang pamilya ng mga nawawalang sabungero

    MAGKASAMANG pinulong ng Department of Justice at Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group ang mga pamilya’t kaanak ng mga nawawalang sabungero.     Ito ay matapos na magkaroon ng mga panibagong development ang pulisya hinggil sa kanilang ginagawang imbestigasyon dito.     Layunin nito na bigyan ng update ang mga kamag-anak ng 34 […]