‘Di makapaniwala na kasama sa sitcom ni Vic: BRUCE, tanggap ang pagkabuwag ng loveteam nila ni ALTHEA
- Published on May 30, 2023
- by @peoplesbalita
“YUNG role ko dito si Doe, si Doe ay isang dedicated na tao.
“Pinalaki siya sa kalye so binigyan siya ng opportunity ni Ninong Spark which is played by Jose Manalo na magkatrabaho which is delivery driver.
“Tapos nung nalaman ni Doe na may isa pang delivery driver na si Fred which is played by Abed Green siyempre nagulat si Doe kasi siya yung binigyan ng role e for the work, kaya si Fred at tsaka si Doe palaging magkaaway kasi palagi silang nagpapagalingan,” ang personal na paglalarawan sa amin ni Bruce Roeland tungkol sa papel niya sa ‘Open 24/7’ na bagong sitcom ng GMA at M-Zet Productions na pinagbibidahan nina Vic Sotto at Maja Salvador.
Tinanong namin si Bruce kung ano ang pagkakapareho niya sa pagkatao ni Doe at Bruce.
“Baligtad talaga! Malayo. Kasi si Doe, laking-kalye e, so Tagalog na Tagalog, ako naman hindi ako galing sa English, galing ako sa Dutch.
“Kaya yung Tagalog-English malayo. Tsaka pinalaki si Doe sa iyon, sa kalye, ako naman from Europe, so ibang-iba po.”
Hindi ba siya nahirapan, na mabuti na lang at matatas siyang mag-Tagalog.
“Eversince 2014 nandito na po ako sa Pilipinas,” kuwento pa ng Filipino-Belgian.
At malamang ay kainggitan si Bruce ng iba pa niyang kapwa Sparkle artists dahil kasama siya sa isang show kung saan si Vic Sotto ang bida.
“Iyon nga, hindi pa rin ako makapaniwala, e!
“Like it’s one in a million times opportunity talaga na si Bossing Vic ang makakasama so it’s a blessing, it’s a blessing talaga.
“And I thank GMA for this opportunity, I thank everyone from M-Zet Productions and siyempre I thank Papa God for this amazing opportunity.
“Yeah, super-excited,” ang masayang wika pa ni Bruce.
Ano ang nakita o naobserbahan niya sa pakikipagtrabaho kay Vic?
“Sobrang relaxed niya pagdating sa set. Na parang hindi niya iniisip na trabaho iyon, na parang yung role niya parang siya talaga iyon, yung pinapakita niya sa screen.
“Nakita ko na professional talaga, e! Na it’s part of his body yung pagiging aktor.”
Napadako naman ang usapan namin ni Bruce sa pagkakabuwag ng loveteam nila ni Althea Ablan.
“We’re okay, me and Althea. I wish the best for her. Pero yeah, it’s a decision made by GMA, and I respect GMA’s decision.”
Bakit kaya sila pinaghiwalay?
“It maybe because of certain plans of GMA, na may plan sila for me becoming a solo actor, si Althea becoming a solo actress or maybe having a different loveteam.
“Wala namang problema sa akin basta I respect everyone’s decision. If it’s the decision by GMA I have to accept it, kung desisyon ng GMA alam ko na tama iyon since sila yung mga professional.”
Good friends raw sila ni Althea at hindi rin siya nanligaw.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
PBBM, tinukoy ang ‘indispensable role’ ng mga guro
KINILALA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ‘indispensable role’ ng mga guro. Sa pagdiriwang kamakailan ng National Teachers’ Day, nanawagan ang Pangulo sa publiko na suportahan ang pagsusulong ng ‘inclusive education.’ “Our teachers lie at the heart of our educational system standing as the second parents of our children and molding them into […]
-
Rebulto ni Wade ng Miami Heat umani ng mga reaksyon
UMANI ng magkakahalong reaksyon mula sa basketball fans ang ginawang rebolto para kay NBA star Dwayne Wade. Sa isang ginawang pagkilala sa Miami Heat star ay ipinakita dito ang kaniyang rebolto sa labas ng Kaseya Center. Siya lamang ang unang manlalaro sa franchise ng Heat na nabigyan ng sariling rebolto. […]
-
Liksi at versatility ng Gilas susubukin
Ang versatility at fighting heart ng Gilas Pilipinas ay sinusuri habang nakikipaglaban ito sa Jordan side na nagdadala ng mas laki, lalim at motibasyon sa Huwebes (Biyernes sa Manila) FIBA World Cup Asian Qualifiers fifth window matchup sa Amman. Ang Nationals ay naglalaro sa limitadong oras ng practice na nilimitahan ng tatlong practice bilang […]