• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Di malilimutan ang eksenang kinunan na nag-trending: BARBIE, takot na takot nang umakyat sa tuktok ng church bell tower

MARAMING ‘first’ na nai-experience si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pagsu-shoot niya ng historical fantasy portal na “Maria Clara at Ibarra.” 

 

 

Ito ang top-rating primetime series ng GMA Network na nagtatampok kina Barbie, Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Kapuso Drama Actor Dennis Trillo.

 

 

Isa sa hindi malilimutang eksena ni Barbie ay iyong kinunan sa tuktok ng bell tower sa isang simbahan sa Ilocos Norte.  Takot pala si Barbie sa mga matataas na lugar.

 

 

Ang Mommy Amy ni Barbie ang nag-post ng photo ni Barbie na nasa bell tower sa kanyang Instagram: “Barbie is afraid of heights, itong scene na ito ay nasa tuktok siya ng bell tower.  Takot na takot daw siya.

 

 

“Nahihiya daw siya sa staff and crew ng #MCI, kay Direk @zigcarlo at kay Sir @dennistrillo, at ayaw niyang makaabala kaya pinilit niyang tapusin ang eksena. Salamat po sa lahat ng tumulong at umalalay para magawa ni @barbaraforteza itong scene na ito. Thank you #MCIBloodMoon #Maria ClaraAtIbarra.”

 

 

Ang eksenang ito ay umakyat si Klay sa tuktok ng bell tower dahil tatawid na siya para bumalik na siya sa realidad. Natapat ang episode na #MCIBloodMoon sa real na Total Lunar Eclipse na nakita sa iba’t ibang lugar sa bansa, kasama ang Metro Manila.

 

 

Ayon sa Creative Director ng serye na si Suzette Doctolero, “hindi iyon sinadya, di naming alam na magkakaroon ng eclipse at nakasabay pa ng aming episode that evening of November 8.”

 

 

Kaya naman muling nag-trending ang eksena sa Twitter at ibang social media accounts.

 

 

***

 

 

ISA sa cast ng “Maria Clara at Ibarra,” si Tirso Cruz III, Chairman & CEO of the Film Development Council of the Philippines (FDCP), na gumaganap bilang si Padre Damaso sa serye, ang nakausap namin at labis ang pasasalamat niya sa lahat ng sumusubaybay sa teleserye

 

 

“Nakakatuwa na interesado ang mga netizens sa ating history, lalo na ang mga kabataan,” wika ni Pip.  “Malaking tulong ito sa edukasyon at kaalaman ng mga bagong henerasyon.”

 

 

Madalas pala ay weekends kung mag-taping si Pip sa serye, dahil nga sa trabaho niya sa FDCP.  Ngayong Friday, November 11, aalis siya papuntang USA para mag-attend ng meeting with filmmakers, film directors, and Fil-American actors.

 

 

He will also attend the red carpet premiere ng “On The Job” movie na dinirek ni Erik Matti.

 

 

Hindi pwedeng mag-stay doon si Pip after the events, pero this December, babalik siya sa US dahil may series of shows sila ng good friend niyang si Christopher de Leon, sa Los Angeles, San Francisco, Virginia, New York at Chicago.

 

 

Have a safe trip, Pip and wife Lynn Cruz!

 

 

***

 

 

INSPIRED ba si Asia’s Multimedia Star Alden Richards, sa role niya bilang si Tristan Hernandez sa GMA Primetime series na “Start-Up PH”, na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng “Maria Clara at Ibarra.”

 

As Tristan o Good Boy sa serye, isa siyang mahusay na businessman at mukhang in real life, doon na rin nalilinya si Alden, bukod sa pagiging artista niya.

 

 

May mga bagong businesses na rin siyang naitayo ngayon, pero mukhang bago itong Tasteful Selection.  Pinuri kasi ni Ms. Gina Alajar, ang gumaganap na Lola Joy ni Dani (Bea Alonzo) sa serye, ang ipinadala ni Alden sa kanya from his Tasteful Selection.

 

 

“Thank you Good Boy @aldenrichards02 for the yummy steak you gave.  I pray for the success of Tasteful Selection as well as your other business ventures… Lola Joy so so proud of you.”

 

 

Mayroon pa ring three branches ng Concha’s Garden si Alden sa Silang at Tagaytay City.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • PBBM pinagtibay na ang 2 mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at Expanded Centenarian Act

    PINAGTIBAY na ni Pang. Ferdinand Marcos Jr ang dalawang mahalagang batas ang Tatak Pinoy Act at ang Expanded Centenarian Act na layong bigyan ng dagdag benepisyo ang mga senior citizen.     Ito’y matapos lagdaan kaninang umaga ng Punong Ehekutibo ang dalawang panukala.     Kabilang sa nilagdaan ng Pang. Marcos ang Republic Act 11982 […]

  • PETISYON NA KANSELAHIN COC NI TULFO, IBINASURA

    IBINASURA  ng second division ng Commission on Elections ang petisyon na kanselahin ang certificate of candidacy  (COC) ni senatorial bet Raffy Tulfo, ayon kay acting Comelec chairman Socorro Inting nitong Miyerkules.     Sinabi ng Comelec second division na walang  misrepresentation sa COC ni Tulfo nang pangalanan niya si Jocelyn Tulfo bilang kanyang asawa.   […]

  • Pingris binigyang pugay!

    Kaliwa’t kanan ang papuring tinanggap ni Marc Pingris ng Magnolia Hotshots nang magdesisyon itong tuluyan nang magretiro matapos ang 16 taong paglalaro sa PBA.     Kabilang na sa mga nagbigay-pugay si Barangay Ginebra head coach Tim Cone na minsan nang nahawakan si Pingris sa kampo ng Hotshots.     Isa si Pingris sa itinutu­ring […]