‘Di na makakasama si Ruru dahil sa ‘Black Rider’: Grupo nina MIKAEL, babalik sa South Korea para sa ‘Running Man PH 2’
- Published on January 9, 2024
- by @peoplesbalita
LILIPAD na sa isang linggo ang cast ng ‘Running Man Philippines 2’ patungong South Korea.
Si Mikael Daez mismo ang nag-announce nito sa guesting nila sa ‘All-Out Sundays’ nito lamang Linggo.
Kasama ni Mikael sa season 2 ng naturang show sina Glaiza de Castro, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian at Kokoy de Santos.
Lahad ni Mikael, “Sasabog sa lamig ang katawan ni Buboy, kasi next week pupunta na kami sa South Korea, dahil Winter edition ang season two ng Running Man Philippines.
“Mas exciting, pero mas challenging itong season two kasi lahat ng mission ay gagawin namin sa napakalamig na panahon.”
Minus one sila dahil hindi kasali this time si Ruru Madrid na nagte-taping pa rin para sa top-rating series niyang ‘Black Rider.’
“Hindi namin makakasama si Ruru sa buong season two, kasi ongoing pa yung shoot niya for Black Rider. Pero hindi naman siya aalis sa show, Runner pa rin siya forever!” inanunsiyo pa rin ni Mikael.
“Kaya may special participation din si Ruru sa season two. Abangan niyo yan, dahil madadagdagan pa ng isang Runner… Oy! Sino yan?”
***
MAAYOS raw ang pagtatrabaho nila ni Claudine Barretto, ayon kay Ara Mina.
Nasa ‘Lovers/Liars’ ngayon si Ara at kahit medyo matagal silang hindi nagkasama sa isang proyekto, ikinuwento ni Ara sa nakaraang pagbisita niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” na walang awkwardness o kapaan na nangyari sa kanila ni Claudine kahit na mabibigat ang mga eksena nila sa naturang GMA series.
“Parang akala mo yung matagal na kaming magkakilala. Hindi naman ako nailang ka-work siya. But marami kaming mga matitinding eksena rito,” sabi ni Ara.
Gumaganap dito si Ara bilang si Elizabeth na unang asawa ni Ramon na ginagampanan ni Johnny Revilla.
Si Claudine naman, bilang si Via, ay ikalawang asawa at pinamanahan ni Ramon ng kumpanya kaya bongga ang banggaan nina Claudine at Ara sa serye.
Isa pang pasabog sa serye ay ang muling pagkikita at pagtatrabaho nina Ara at ng dati niyang boyfriend na si Polo Ravales.
Nagkita na nga raw sila, ayon pa rin kay Ara.
“Nagkita kami one time sa taping namin and then nandun yung wife niya, so magka-chika na kami ng wife niya,” lahad pa ni Ara.
***
SA ‘Sarap ‘Di Ba?’ sinagot sa wakas ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ actress na si Kazel Kinouchi ang isyu ng pagdadawit sa kanya sa hiwalayan ng isang mag-asawang artista na hindi na pinangalanan.
Tanong ni Carmina Villarroel kay Kazel, “Ano ang naramdaman mo noong nadawit yung pangalan mo sa breakup ng isang couple?”
“Noong una, nakakatawa, kasi wala talagang katotohanan,” umpisang sagot ni Kazel. “Nakakatawa pero siyempre kapag medyo tumagal-tagal na, ang dami nang nambubulabog sa akin. Wala naman akong kasalanan.”
Lahad pa ni Kazel, may ilan raw na naniwala sa intriga.
“You’re innocent and people are made to believe these lies and they really believe, ‘di ba?
“It was saddening, but at the same time, naisip ko ‘yun nga na laging sinasabi, the truth will always come out. Ito rin ang lagi kong sinasabi, it will always come out.”
Mariing sinabi pa ni aktres na tunay na na wala siyang kinalaman sa hiwalayang ito.
“Confident lang ako. I am at peace with that at saka as long as I am not doing anything against anyone, God is with me.”
Tinanong naman ni Carmina si Kazel kung, “Naisip mo ba ever to defend or to speak up?”
“I actually defended myself,” ang sagot ni Kazel.
“Somebody asked me online on Instagram. Hindi ko alam bakit bigla na lang may nag-delete noon. Sabi ko talaga na no. They asked me, I answered straight up, no.
“For me, hindi ako ang dapat magsalita kasi ako ang nadawit dito.”
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Senate Pres. Zubiri giit na ‘di siya ‘fake news’
UMALMA si Senate President Juan Miguel Migz Zubiri, matapos na mabaligtad at i-deny ng Chinese embassy na kabilang ang Pilipinas sa mga blacklisted na bansa na puntahan ng mga turistang Tsino dahil sa umano’y isyu kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa pahayag ni Senate President Migz Zubiri, sinabi nito na parang […]
-
$750-M loan para sa sustainable recovery ng Pinas, oks sa World Bank
INAPRUBAHAN ng World Bank ang $750-M loan para sa Pilipinas para palakasin ang “environmental protection at climate resilience’ lalo na ang target na renewable energy at tumulong na mabawasan ang panganib ng climate-related disaster. “The US$750 million Philippines First Sustainable Recovery Development Policy Loan (DPL) supports ongoing government reforms to attract private investment […]
-
EX-PNP chief Purisima inabswelto ng Sandiganbayan sa 8 kaso ng perjury
LUSOT sa walong kaso ng perjury ang dating hepe ng Philippine National Police na si Alan Purisima ayon sa Sandiganbayan Second Division. Kaugnay ito ng diumano’y kabiguan niyang iulat ang kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa mga taong 2006 hanggang 2009 at 2011 hanggang 2014. Sinabing pagmamay-ari ng […]